Sa kailaliman ng gabi
Inang tahimik na lumuluha
Mga luhang puno ng pangungulila
Sa mga anak na hindi maabot sa 'twina
Panaghoy ng isang Ina, lungkot at pagdurusa.Aking mga anak
Puso ko'y kay bigat
Sa dibdib ko'y umaalpas
Ako'y nagdurusa
Pagmamahal at pag- aaruga
Hindi ko maipamalas
Pagkasuklam sa sarili tila'y dinaranas.Impit na pag- iyak
Luhang di mapigilan
Panangis ng isang Ina
Tila'y walang hangganan
Araw at Gabi
Hiling kay Bathala
Mga anak ay bantayan
Ilayo sa peligro't- kapahamakanHanggang sa dumating ang matamis na sandali
Mga anak ay mayakap
Mapupog ng halik
Tanging araw na pinakaaasam
Pinakahihintay ng isang Inang nangulila sa Anak.
