Drunk
Hinatid ako ni Lucan sa bahay at katahimikan ang sumalubong sa amin pagkauwi ko. Walang maingay na tv at naghaharutang mga kuya. Walang mga nagbabasa at nagla-laptop na mga Ate.
"Manang?!" sigaw ko at padarag na umupo sa couch. Basta ko na lang binato ang bag ko kung saan habang sinasandal ang ulo ko backrest ng couch. Madiin kong ipinikit ang aking mga mata at huminga ng malalim.
Damang dama ko ang pagod. Physically, emotionally and mentally. Hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa akin ang sinabi ni Xenon sa akin kanina.
Galit at awa. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Galit para kay Xenon. Galit para kay Jusrylle. Awa para sa sarili. Naaawa ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa lahat lahat ng sinasabi sa akin ni Xenon. Dahil may parte pa rin sa puso ko na umaasang biro lang ang lahat. Umaasa akong sana pakulo niya lang ang lahat ng ito para sa darating naming first anniversary three days from now.
Pero sinong niloko? Alam kong wala na talaga. Hindi na talaga kami magkakabalikan pa. Sinukuan na niya ako at ako naman ay unti unti nang sumusuko sa kaniya. Siguro kung magkakaroon man ng closure, ni pagkakaibigan ay hindi maooffer sa kaniya.
What he did to me really does sting a lot. Hindi niya lang ako sinaktan. Pinahiya niya pa ako at pinakita sa lahat ang pangloloko niya sa akin. Like he's proud that finally, naloko na din si Scarlet! The noble Scarlet Izeah Nicole Smyth!
Naramdaman ko ang pag upo ni Lucan sa tabi ko. Hindi ko na idinilat pa ang aking mata para tignan siya.
"Okay ka lang ba talagang iwan mag isa dito? Wala sila Kuya Phoenix at sila Tita," nag aalalang usal niya.
"I'm fine. This isn't the first time na mag isa ako dito sa bahay. Beside, manang is here. I'm not totally alone,"
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Lucan sa aking gilid tanda ng pagsuko. Patagilid ko siyang tinignan at pagod na nginitian.
"Really, Lucan. I'm fine. Uuwi na mamaya sila Ate at Kuya kaya wala ka ng dapat ipagalala pa, " paniniguro ko sa kaniya.
"Alam ko naman na kaya mong mag-isa dito. It's just that I'm afraid that you'll pull stupid stunt once you're alone in your room," mababakas ang pagod at pag aalala sa boses niya.
May kung anong kumurot sa dibdib ko nang makita ko ang labis na pag aalala sa kaniyang maamong mga mata. Hindi ko alam na ganitong pag aalala ang idinulot ko sa mga tao sa paligid ko, lalong lalo na sa kaniya. Sa kaniya na labis kong pinag alala these past few days. Nakaramdam ako ng guilt para sa mga nagawa ko para mag alala sila ng ganito.
Umayos ako ng upo at hinawakan ang kamay ni Lucan na nagpapahinga sa couch. Bumalatay ang gulat sa kaniyang mukha at bumaba ang tingin nito sa kamay kong nakapatong sa kaniya.
"I may be sad and broken right now but I'm not suicidal. I'm afraid to die. I won't kill myself. Chill," paninigurado ko sa kaniya and directly look into his deep set of eyes. Kitang kita ko kung gaano kahaba ang kaniyang mga pilik-mata, ang kulay asul niyang mga mata, at ang bahagyang paglaki ng mga ito.
Nag angat siya ng tingin sa akin. Nang magtama ang mga tingin namin ay napatunayan kong tunay nga siyang nag aalala.
What have I done to make them worry like this? Am I too sad and vulnerable around them para maisip nilang kaya kong tapusin ang sarili kong buhay? Ugh! I'm so stupid! Dapat ay hindi ko na ipinahalatang sobra akong nasasaktan!
"I'm sorry for making you worry about me," dagdag ko. Pinisil ko ang kaniyang kamay. From now on, I won't let anyone see my sadness. Hinding hindi na ako iiyak o magmumukhang kaawa awa sa harap ng kahit sino, lalong lalo na sa harap ng mga kaibigan at pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Casa De Venganza
Random"Love - a grave mental disease" Plato Everything was perfect. I have the money, the looks, loving parents, carefree brothers and strict sisters. Until one day, I made the biggest mistake of my life. My perfect world collapsed. My parent's trust for...