Charm Bracelet
---"Lucy."
Napatingin ako sa binatang katabi ko na nakahiga.
"Here." Sabay abot sakin ng isang papel na nakatupi.
Kinuha ko ang papel gamit ang aking kalliwang kamay. Love letter ba ito? Crush niya ko?. Napailing ako sa naisip. Rupok mo talaga, Lucy.
I was about to open it pero pinigilan niya ako gamit ang kanan niyang kamay. Ano nanaman bang pakulo mo, Ethan?. Napatingin ako sakanya habang nakataas ang isang kilay.
Napabuntong hininga siya at ipinikit ang mata. Eto nanaman kami, sad vibes ulit. Tinanggal niya na ang kamay niya sa kaliwa kong braso at umayos uli ng higa.
"Open that only if i die." Mahina niyang sabi habang nakatingin sa mga bituin. He has a mild lung cancer. Hindi ba niya naririnig sarili niya? Tanggap mo na ba talagang mamatay, Ethan?.
"Promise me that, Lucy."
"I will."
"Good."
Tumayo na ako at binulsa ang papel na binagay niya sa'kin. Wag ka muna umiyak, Lucy, wag sa harapan niya. Tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo. Kaya mo yan, Lucy, tutal diyan ka naman magaling. Ang magpanggap.
"Uwi na ako, Ethan." Nakangiti kong sabi at tumingin sakanya. Tumayo na rin siya at nginitian ako.
"Hatid na kita." Masigla niyang sabi.
"Ginagawa mo akong bata nito, Ethan eh. Magkapit bahay lang naman tayo." Siniko ko siya ng mahina sa tiyan.
"Ayaw mo yun? Pasalamat ka nga naihahatid ka ng pinaka pogi sa lahat." Mahangin niyang sabi sabay pogi sign.
Napatawa ako ng marahan. Sana ganito nalang lagi, sana hindi nalang siya nagkasakit, pero... sana gumaling na siya.
"We're here." Ani ni Ethan. Napatingin ako sakanya at ngumiti.
"What?." Tanong niya sakin. Umiling lang ako at niyakap siya ng mahigpit. My favorite person, my bestfriend, my first love, my everything.
"I love you, Ethan. Not as a bestfriend, but as a lover." Mahina at halos pabulong kong sabi. Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik.
"See you tomorrow, Lucy." Bulong niya sa tenga ko at hinalikan ang aking noo. Naramdaman kong humihiwalay na siya sa yakap, kaya humiwalay na rin ako.
"Pasok ka na. Hindi ako aalis dito hangga't di ka pa pumapasok." Malumanay at nakangiti niyang sabi.
Tumango ako at pumasok na. Pero bago ko isara ang pinto, "Goodnight, Ethan." Nakangiti kong sabi.
Marahan siyang tumawa at ngumiti. "Goodnight, Lucy." At tuluyan ko nang sinarado ang pinto.
____
I wake up, finding myself crying again. Napatingin ako sa charm bracelet na nakasuot sa kanan kong braso.
"Ethan, I miss you."