NURSES WEEK

97 2 0
                                    

Makalipas ang dalawang araw, natuloy din ang Nurses week celebration namin. Alas dos palang ng tanghali nasa venue na ako para ayusin ang ibang props na hindi natapos para sa sayaw. Inagahan ko talaga para matapos kaagad at walang aberya. Inisip kong ako palang ang andoon ng makita ko si Adrian na naglalagay ng glitters sa palda ng mga sasayaw.
"Aba, bat ang aga mo?"
"Ah naiinip kasi ako sa bahay, nakakasawang manood ng tv at maginternet."
"Ah okay, ano pa ba ang di tapos?"
"Eto nalang mga bulaklak na pandesign sa may stage, ayusin mo at wala akong alam sa flower arrangement."
"Yes sir!"
Tahimik lang kaming dalawang nagtatrabaho ng di namin namalayan ang oras, ala singko na pala ng hapon kailangan na naming magpalit para sa celebration na magsisimula ng ala siyete ng gabi.
"Daan na kita sa boarding house mo,sabay ka na sakin."
"Huwag na, nakakahiya"
"Eto naman, di ba friends na tayo?"
"Sige na nga"
"Sunduin na din kita mamaya,sabay tayo babalik sa school."
Tango nalang ang isinagot ko.

Ang Crush kong SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon