Where I Belong (KaRa)

577 17 0
                                    

It's been years simula ng naghiwalay kami ni Ara. Not as partners in love but, as teammates and a best friend. Hindi lang ako nawalan ng best friend. Nawalan ako ng isang Victonara Salas Galang. Miss na miss ko na nga siya. Hindi ko na alam kung paano ko siya kakausapin kasi she treats me cold as ice.

Masakit pero kasalanan ko. Eto siguro yung consequence ko sa pag-iwan sa kanya.

"Daks? Kausapin mo naman ako oh." Pangungulit ko sa kanya. Actually kanina pa yan ganyan. Di ko naman alam kung anong nangyari at naging ganyan siya.

Nakasimangot lang siya at kunwari ay busy sa phone niya. Ang alam ko lang iniiwasan niya ko. Sa pagkaka-alala ko naman, wala akong ginawang mali. Hmmm, wala nga ba?

"Huy. Daks naman eh. Bakit ba hindi ka namamansin jan? Para naman 'tong tanga." 

"Tanga sayo." Bigla naman siyang tumayo at umalis sa harap ko. Sinundan ko lang siya ng tingin at padabog siyang tumaas.

Anong problema nito? Tsaka anong 'tanga sayo?' Hindi ko talaga ma-gets.

Hindi naman ako nag-atubli pa at sinundan siya pataas. Naabutan ko naman siya papasok na ng kwarto, for sure ilo-lock niya yun kaya mabilis akong tumakbo at hinigit siya.

"Ano ba. Bitawan mo nga ko."

"Ayoko. Sabihin mo muna sakin kung anong problema mo."

"Wala akong problema, okay? Kaya pwede umalis kana lang?"

Teka. Nasaktan ako dun ah.

""Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi kung anong problema mo."

"Tss. Do what ever you want, bahala ka. Do what you always do, leave!"

Yun yung araw na sinimulan niya akong iwasan at itratong parang wala na ako sa mundo niya. Na walang Mika Reyes na nage-exist sa mundo niya.

Wala ng mas sasakit pa dun. Na parang sobrang may malaki kang kasalanan na nagawa sa kanya. Yun yung pinaka-nasaktan ako. Ang ibalewala. Ang sakit lang na parang hindi niya kayang tumagal ng kasama ka. Na parang napipilitan na lang siyang gawin yung mga bagay na magkasama kami. Yung tipo na hindi na niya kayang mag open up ng conversation sayo. Na hindi ka manlang matingnan ng matagal. It hurts, a lot. Sobra, lalo na kung sobra mo naman palang mahal yung tao na yun. Yung taong mahalaga sayo. Ikaw ba naman, baliwalain ng isang taong mahalaga sayo, sino ba naman hindi masasaktan dun.

Let's take it a shot? //KaRaWhere stories live. Discover now