"Good morning, ma'am Mika! Coffee po?" Agad na bungad sa akin ng secretary ko, si Sandy. Nilagay ko ang bag ko sa table and made myself comfortable before answering her.
"Yes. The usual, Sandy."
"Okay ma'am. Coming right up." Tugon niya.
Nang maka-alis si Sandy ay binuksan ko ang email ko. Kung may importanteng business meetings ba ako or appointment today with a client. When i checked, wala naman. Naisipan kong buksan ang spam ko sa gmail and i found something out.
Emails from... Ara?
The emails are from 5 years ago pa. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang nakita ito, dahil ba matagal na akong hindi nagche-check about anything that is related from her? Baka nga. I was hurt, kaya bakit kailangan ko 'pang marinig lahat ng about sa kanya. I shouldn't care, but... i know deep inside, some part of me still cares for her.
Nagda-dalawang isip ako kung babasahin ko pa ba ang mga yon o hayaan na lang. But i can't help but wonder... ano ang nilalaman ng emails na yon?
Pinigilan ko ang sarili kong basahin yon. 5 years na ang nakakalipas. Hindi ko nga alam kung naalala pa ba ako ni Ara. O kaya nakalimutan na niya ko. Baka nga may girlfriend na siya eh, or else kasal na. Teka, bakit ko pa ba siya iniisip? Anong pake ko sa life status niya ngayon? Eh, i don't even know if the thought of me still crosses her mind eh. Hay, ano ba 'to. Kailangan ko ng mag-focus sa trabaho dahil marami pa akong gagawin.
Maya maya pa ay dumating na rin si Sandy dala-dala ang coffee na pinahanda ko sa kanya. Kape, pampagising at pampagana sa umaga. Nagpa-salamat ako kay Sandy bago siya umalis. And info lang about my cafe, 4 years na ang business ko na ito, right after namin mag-break ni Ara. Right, si Ara nanaman. Nag-silbing pampalipas oras at libangan ko ito nung mga panahon na walang-wala ako. Yung ubos na ubos ako. And pangarap ko naman talaga ang cafe na'to. Or should i say pangarap namin? Yes. Pangarap namin ni Ara 'to. Na ako nalang ang nagpatupad. Pero i'm glad na kahit ako lang mag-isa ang nagtaguyod nito, it bloom. Maganda ang pagpapatakbo ko rito. And i can say that i'm happy with the outcome at nung dinulot sakin nung breakup namin ni Ara.
Maybe we're both better when we're off each other. We are growing.
After work dumaan muna ako sa condo ni Jessey to catch up with her. Since ilang weeks na rin akong busy kasi nga nagpapatayo pa ako ng isang branch ng cafe ko sa Baguio. Kaya ayon, hindi ko siya nakaka-usap dahil sobrang asikaso ako dun. And may business partner rin ako dun na gustong mag-collab sa business. Mas sikat kasi ang kapihan nung business partner ko na yon kaya pumayag na ako nung inalok ako about dun sa offer. Actually hindi ko pa nakikilala ang partner ko na yon, sabi kasi ng secretary na, yung na-meet ko, eh nasa US pa raw ang boss niya. Hindi ko naman natanong ang pangalan dahil hindi na sumagi pa sa isip ko.
"I'm glad na nakapunta ka today, bf! I miss you!" Jessey said when she opened the door and hugged me.
"Oo. Hindi naman halatang miss na miss mo ako no? It's been weeks pa lang naman, Jess."
"Hoy! Ano naman kung weeks lang? Namiss lang talaga kita no. Arte nito." Natatawa niyang sabi nang makapasok na kami at maupo sa sala. Umorder siya ng pizza at may ice cream din.
"So, kamusta naman tayo, Miks?" Panimula ni Jess ng usapan.
"Hmm. Okay lang naman. And sa business naman, may client na gustong makipag-collab sa cafe ko, sikat na cafe, Jess."
"Talaga? Anong name ng cafe?" Medyo excited niyang tanong.
"V&M Cafè yata ang naalala ko na sinabi nung secretary nung business partner ko."