Nawala na yung mga Goodnight, yung mga I love you bago matulog sa gabi, tipong mag isa ka nalang matutulog ulit at hindi na mapupuyat kakaantay sa message niya. At gigising na wala man lang nagsasabing Maganda ang umaga at kailangan mong ngumiti. Masaya ka, pero ramdam mo yung kulang. Hindi ka malungkot, pero may bumabagabag sa isip mo. tipong masasabi mo na, "di mo ba ;ko namimiss?" Di mo ba namimiss yung kakulitan ko? yung pagiging clingy ko? yung pag aalala ko kada hindi ka pa kumakain at hindi ka pa nakakauwi ng bahay? Yung pag aalala ko kapag hindi ka nagrereply sa mga texts ko at tawag ko? yung mga good morning, afternoon at evening texts ko sayo? kasi ako, miss na miss na kita. Nandito lang naman ako eh, naghihintay na mamiss at maalala mo kahit minsan. pero mas pinili mo na iwan ako, Okay lang. Pero hindi talaga.. pero kung yan yung magpapasaya sayo, Okay na.
BINABASA MO ANG
LOVE
Teen FictionKotning kaalaman tungkol sa pagmamahal. Kung makakarelate ka, edi nakarelate ka. kung tatamaan ka, wag kang iilag kasi kung para sayo, para sayo talaga :)