Chapter 2

327 5 1
                                    

"I'm Archie Kymm Rodeo, it's nice to meet you, classmates." Nakinig nalang ako sa mga nagpapakilala kong mga kaklase sa harap, since I'm already done introducing myself.

May ilan-ilan ako ditong mga naging kaklase na last year, ba't ko ulit sila makakasama ngayong taon? Hehe, 'di naman sa pagtataray, pero I want to meet new people this year. I want to interact to those new faces.

Yung tipong dadaldalin ko sila, makikipag-close ako kasi masyado akong friendly, at alam ko sa sarili ko 'yon. Ang boring pa ng English namin ngayon, puro introduction muna. Can't we just move on to this and start the damn lesson? Grabe, atat na 'ko mag-aral.

I huffed, looking at my finished calligraphy on my notebook and smiled. Ewan ko talaga kung bakit ko nagustuhan 'to, nag-search lang ako sa internet kung paano gumawa nito tapos bigla nalang akong nahilig. Halos isang buong notebook yung na-calligraphy ko buong vacation since wala naman akong magawa sa bahay, e. Ubos tinta ng mga pens ko. At kailangan ko pang bumili ng isang box ng ballpen para 'di na 'ko maabala pang lumabas ng bahay para lang bumili ng ganon sa bookstore.

"Tyron."

"What is your full name, Mister Tyron?" I suddenly heard the teacher speaking, kaya ako napatingin sa harap at nagulat nalang sa nakita ko.

"Tyron Joseph Albino." The guy said, quietly.

Hala, sis! Bakit puti ang buhok nya? Pati yung kilay nya, puti din. Mukhang hindi pinakulay yun, parang natural na talaga. Sa dinami-dami ng kulay, ba't puti pa? I've never seen this guy before, is he a transferee? He looks like the typical nerd of the campus. Nakasuot ng big round glasses, shy type, at iba pa. Pero ang kakaiba, well-built naman sya, matangkad, at may enough muscles sa katawan. I'd say he's strange, and weird.

Weird because of that white colored hair and eyebrows.

But even if he's like that, I had the urge to be friends with him and make a conversation. He seems like the guy who's always silent but good to be with.

Sinundan ng aking mga mata ang kanyang pagkilos when teacher told him to have his seat. After niyang umupo, nakita ko nalang na may drawing sa kanyang table, ano yun? Is it from the bullies? Tina-target na ba sya simulang-simula palang ng araw?

But when I squinted my eyes to look closer, it doesn't look like the bullies' responsibilities. It's a small anime character, I guess. Pero ang cute!

Napangiti nalang ako. So, marunong pala gumuhit si Tyron. Nakakabilib naman, I think I'll try to talk to him later.

Ngunit bigla namang nawala ang ngiti ko nung lumingon sa direksyon ko si Tyron, ngayon ko lang na-realize na pula ang mga mata nya. Contact lenses ba 'yon?

Pero that's not the thing, ang nakakakaba lang, ay yung napakasama nyang tingin sa'ken. Luh, if looks could kill, I'd be six feet under the ground na. Nakakatakot, I just felt an uneasy shiver on my spine.

I quickly looked away, 'di ako komportable sa titig nya. Parang yung plano kong kausapin sya at makipag-close ay nasira na.

He's not approachable.

[•][•][•]

"That's all for today, class dismissed." Mr. Alvarez announced, our Science teacher.

Yes! Break time na, meaning, magkikita-kita ulit kami nila Sinne.

When I picked up my things and placed them neatly inside my bag, isinukbit ko na 'to sa likod ko at balak nang lumabas ng pinto nang bigla nalang dumaan sa harap ko si Tyron. He left without a single noise, ni-isang tingin man sa'ken ay wala. Pero ang bango nya, seryoso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stuck Between The Mafia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon