"COME ON, Mama. Bilisan mo. Baka ma-late na po tayo." Hila-hila ni Alexis ang kamay ng inang si Aya habang patakbong naglalakad sa school hallway.
Napangiti nalang si Aya sa nakikitang excitement sa mukha ng anak. Alexis seemed to love gatherings. Bagay na tila nakuha nito mula kay Yuna at Alexa. "Dahan-dahan, sweetie. We're almost there."
"But I'm excited," may patalon-talon pa ito.
"You are always excited," pagpupunto naman ng ina. Wala na yatang makakapantay sa anak pagdating sa pagiging hyperactive. Animo laging nasobrahan lagi sa asukal.
Ilang sandali pa ay narating na nila ang classroom ni Alexa. Marami nang mga estudyante ang naroon kasama ang mga magulang ng mga ito.
Sa itaas ng pintuan ay may nakasulat na: "Bring your parents day."
"Hi, Alexis!" Bati ng isang kaklase ng anak na mukhang kasing-kulit din nito. Si Kim, ang best friend ni Alexis. Masaya pang nagyakap ang dalawa na para bang ang tagal na hindi nagkita.
Nilapitan siya ni Imee, ang nanay ni Kim.
"Si Yuna?" tanong nito.
"Busy sa trabaho, kaya di na makakapunta."
"Aww... sayang naman."
Aya smiled, faintly. Yuna still hadn't forgiven her.
Nagsimula na ang program. Isa-isang nagpunta sa makeshift stage ang bawat bata at ipinakilala ang kanilang mga magulang.
Natuon ang pansin ni Aya sa anak na nasa tabi. Halos hindi ito mapakali sa upuan. Hindi pa man ay parang gustong-gusto nang pumunta sa unahan. At nang tawagin nga ang pangalan nito ay mabilis pa sa alas-kuwatrong tumayo. "Mama, let's go!" hila nito sa kamay niya.
"Good morning, everyone!" Alexis started rather enthusiastically. Ang ibang bata kanina ay halos hindi makapagsalita sa unahan, ngunit kabaligtaran naman ito. "My name is Alexis Martinez Smith."
Mukhang umaandar naman ang karisma ng anak sa mga tao. Marami ang napapangiti.
"I actually got three mothers." Malakas ang boses ni Alexis at dinig na dinig iyon sa buong classroom. Tila nakuha naman ng sinabi nito ang atensyon ng mga tao, lalo na ng mga magulang na naroon.
"You heard it right, I got three mothers. Okay, lemme explain how it happened... My moms were lesbians." Nagsimula nang magbulungan ang paligid, ngunit parang wala namang pakialam doon si Alexis. "Yes, that's right. They're lesbians," ulit pa nito.
Hinayaan lang ito ni Aya. Bata pa lang ito ay pinapaunawa na nila ang tungkol doon. Likas na matalino si Alexis at kaagad nitong naunawaan ito. They taught Alexis to be proud of it, and they taught her how to intellegently answer the criticisms. And so far, wala pang insidenteng na-bully ito, bagkus ay kabaligtaran pa.
"Ang kasama ko po ngayon ay ang Mama kong si Aya Martinez. She's my surrogate mother. My other mom was Yuna Smith. She's Mama Aya's wife. And the other one is Alexa Madrigal. She's my biological mother, but sadly, she's now in heaven." Medyo lumungkot ang boses ni Alexis sa huling sinabi pero agad ring sumigla ulit. "Oh. Let me introduce to you my Mama Aya...
"Mama Aya is an author. She writes amazing things. She's also a really good baker. And also, she used to be a fashion designer..."
Aya smiled at how her daughter was introducing her. Alexis spoke with too much adoration. Ang hilig niyang pagbabasa noon ang nagdala sa kanya sa pagsusulat, at ngayon ay isa na siyang published author. She mixed it with her love on fashion. Ngayon ay marami na din siyang na-publish na fashion books, at nagsusulat din siya para sa isang children publication. Alexis had been her inspiration for that.
BINABASA MO ANG
Aya's Confusion[Book 2] (GXG)
RomanceFor seven years, Aya believed that Alexa was dead. But then one day, a woman who looked exactly like Alexa suddenly turned up. Xue Cordovez. Sino siya, at bakit kamukhang-kamukha niya si Alexa? Anong kahihinatnan ng relasyon nina Aya at Yuna? Si Xue...