AYA'S feet seemed hesitant to enter the house. She got that sudden feeling na ayaw muna niyang makita ang mga magulang ni Alexa. Kung hindi pa siya hinila ni Alexis ay hindi pa siya papasok.
"Come on, Mama! Hurry up. They're here!"
Pinilit ni Aya na makiisa sa kasiyahang nakikita sa anak.
"Hi, Aya," Daniella greeted with a smile and stood up. Theodore remained seated as Alexis ran to him. Kaagad na nagpakarga sa abuelo.
"Tita Dani." Aya replicated the smile and kissed Daniella on the cheek. There were few wrinkles on the old woman's forehead but still looking regal nonetheless. "It's been too long." Aaminin niyang na-missed din niya ang dalawa. Alexa's parents were like her parents too.
"Indeed it is," ang wika naman ni Daniella. "We've missed you, greatly."
Napangiti na rin si Aya. Maybe she was just being unreasonable and delusional. Hindi naman siguro magagawa ng mag-asawa na magsinungaling sa kaniya. "Tito."
Tumayo si Theodore habang karga pa si Alexis. Binigyan si Aya ng side hug. "It's very nice to see you again, hija. Pasensya na kung ngayon lang kami nakapunta."
"Well," tumikhim si Aya, "it's not me you needed some explaining to do." She gestured at her daughter, na para nang tuko'ng nakayakap dito.
Nang makaupo ang mag-abuelo ay nagsimula na ang hindi matapos-tapos na kuwento ni Alexis.
"I thought you don't love me anymore. You've gone too long," Alexis stated with a pout.
"Of course not," agad namang tugon ni Daniella. Malungkot na nakatitig sa apo. "Puwede ba naman 'yon? We love you so much, sweetheart. Don't ever think otherwise," pisil nito sa pisngi ng apo.
"Sobrang naging busy lang talaga ang lolo't lola, pero ni isang segundo ay hindi ka namin nakalimutan. Don't tell this to your cousins, but you are our most favorite apo," ika naman ni Theodore.
"Really?" tanong naman ni Alexis.
"But of course!" ang wika ng lolo.
"She was always asking for you. Wala yatang araw na hindi nagtatanong," ang sali ni Aya sa mga ito.
"Babawi kami sa'yo, apo. Mamasyal tayo kahit saan mo pa gusto," si Daniella.
"Yey!" Bakas ang kagalakan sa mukha ni Alexis.
Aya suddenly remembered the gypsy. Napapaisip pa rin siya sa sinabi nito.
"Your question will be answered soon."
Anong ibig sabihin nito? Dahil ba nandito na ang mag-asawang Madrigal? Hindi niya maiwasang bigyan ng kahulugan ang mga nangyayari. Parang ang laking coincidence ng mga nagaganap.
Napansin ni Daniella ang tila pagkawala niya sa sarili. "May problema ba, Aya?"
Kaagad nang umiling si Aya. "Wala ho, Tita." Tumayo na muna siya. "Maiwan ko muna ho kayo. Magpapahanda lang ako ng pagkain kay Mila," magalang niyang paalam at iniwan na ang mga ito.
Dinig niya ang masayang tawanan ng tatlo habang patungo siya ng kusina. Napabuntung-hininga na lang siya. Iisipin nalang niya ang ikasisiya ng anak.
Naabutan niyang nagluluto na si Mila. "Oh, good. Mabuti at naisipan mong magluto na."
Ngumiti naman ang katulong. "Siyempre naman, Ma'am. Ako pa ba?"
Aya observed the food. "Pritong tilapya at monggo? Mabuti at naalala mo ang mga paborito nila. What's the other one?"
"Sweet and sour shrimps, Ma'am."
"Hmm... At may pasekre-sekreto ka pang nalalaman." Sinundot niya sa tagiliran ang katulong. "Sino bang amo mo rito, at parang mas sinusunod mo pa sila?" galit-galitan niyang sita rito. "At pinagbabaan mo pa 'ko ng telepono."

BINABASA MO ANG
Aya's Confusion[Book 2] (GXG)
RomantizmFor seven years, Aya believed that Alexa was dead. But then one day, a woman who looked exactly like Alexa suddenly turned up. Xue Cordovez. Sino siya, at bakit kamukhang-kamukha niya si Alexa? Anong kahihinatnan ng relasyon nina Aya at Yuna? Si Xue...