Prologue

4 0 0
                                    

Ang ilaw na iniingat ingatan ko sa loob ng maraming taon ay biglang naglaho----sino na ang magsisindi ng ilaw kong unti unting ng binabalot ng kadiliman?

Ako si Axelle Dominica Sanchez, 'elle' for short at ako ay isang hamak na raketera.

Simula noong pumanaw ang nanay ko, nagawa kong buhayin ang sarili ko sa loob ng isang taon at lahat na ata ng klaseng raket napasukan ko, bouncer, oo bouncer (black belter ata to sa Judo), waiter, cashier, tour guide, yaya, baby sitter at tutor, pwera lang sa pagiging pokpok noh. Ayaw kong dungisan ang pagkakabae ko. Malaki ang respeto ko sa sarili ko. #selflove

Masakit ang pagpanaw ng nanay ko, maayos ko siyang dinala sa emergency room, ngunit bigla nalang sasabihin ng mga doktor na wala na siyang pag asang buhay, sino ba namang bobong maniniwala doon? At sa puntong iyon napagtanto kong lahat ng pangarap ay unti unting gumuguho, wala na akong nakikitang pag-asa para sa kinabukasan ko, kaya tumigil na ako sa pag-aaral.  Nagbanat buto na lang ako, kaso wala akong makitang permanenteng trabaho dahil sa pagiging undergraduate ko. Kaya palipat lipat ako ng raket.

Ngunit biglang naggulo ang  buhay ko ng magpakita ang tatay ko.

***************

Isang taon matapos pumanaw ang nanay ko nagpakita ang butihin kong ama.

"Are you Tina's daughter?" tanong niya.

"Oo. Bakit?"

"I'm your Dad's secretary." tumingin ako sa likod ng secretary at nakita ko si Gov. Gonzalez, ang ama ko.

"O, anong ginagawa niyo dito?" walang modo kong sabi.

"Ahem, Governo-- I mean, your Dad has something to offer you." tinignan ko lang siya.

"Gusto sana niyang doon kana tumira sa kanila." ngumisi lang ako dahil sa di ako makapaniwala sa aking narinig.

Papalampasin ko pa ba ito? Arat na!

Raketerang KontrabidaWhere stories live. Discover now