Ilang beses na akong nagpakawala ng mga malalim na buntong hininga. Hindi ko pa rin ma-absorb ang lahat ng nangyari kanina sa Mall.Unang araw ko pa nga lang muli dito sa Maynila pero iyon na agad ang bumungad sa akin. Nakarehistro pa rin sa utak ko ang gulat sa mga kulay brown niya na mga mata. Parang mas naging mature-looking siya sa facial hair niya at naging mas lumaki ang pangangatawan.
"Ember, are you okay?"
Napabalik ako kasalukuyan dahil sa tanong ni Tristan. Umupo siya sa tabi ko sa sofa at itinukod ang ulo niya sa isang kamay na nakapatong sa sandalan. Pinagmasdan ko siya at nakitang nakapangtulog na damit na siya. Nakaputing sleeveless at pajama.
"You seemed pre-occupied. Is there something bothering you?" dagdag na tanong niya pa. Kalmado at matamang nakatingin siya sa mga mata ko.
Malalim na napabuntong hininga ako bago siya sinagot. "Kanina pa ba ako nakatulala?"
Ilang segundo ang lumipas bago niya ako sinagot. "I think so. Kasi kanina ka pa nakatitig sa T.V. kahit commercial na. And I heard your constant deep sighs. So care to share what's bothering you?"
Tipid na napangiti ako dahil sa sinabi niya. He's really a lawyer. Kaunting kibot ay nahahalata niya. No doubt kung bakit at a very young age ay successful na siya.
"We met him," direktang sabi ko sa kanya.
Gan'on pa rin ang reaction ng mukha niya. Hinihintay ang susunod ko na sasabihin.
"We met Brave... at the mall kanina," dagdag na sabi ko.
Hinihintay ko ang magiging reaction niya. Pero ilang segundo na ang lumipas, blangko pa rin ang mukha niya.
"Tristan," kuha ko sa atensyon niya, "we met Brave kanina sa mall. Iyong medyo kulot, puti at kasingtangkad mo. At iy--"
Hindi ko natapos ang sasabihin dahil nagsalita siya. "I know."
Medyo nagulat ako sa sagot niya. "A...alam mo na?"
Tipid na ngumiti siya at umayos ng upo. Kinuha niya ang isang kamay ko para hawakan.
"I already knew the faces of those people who had been a part of your past," pagsisimula niya. Seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin habang pinaglalaruan ang mga daliri ng kamay ko na hawak niya.
"I was not sure at first if it was him because his face had changed a bit from the picture I have seen of him years ago. But when I saw your reaction and how the encounter affected you, alam kong tama ang hula ko. It's really him," mahabang lintanya niya. Walang bahid na pagkainis o galit akong naramdaman sa boses niya. Parang casual na nagkukwento lang siya.
Masinsinang tinitigan ko ang mukha niya para makumpirma ko kung galit ba siya. Pero itinaas niya lang ang dalawang kilay niya habang parang natatawa na nakatingin sa akin. "What's with that look, Ember?" he asked with a chuckle.
"Hindi ka galit?"
"Why would I be mad?" natatawang balik na tanong niya sa akin.
Napa-pout ako dahil sa sagot niya. "Baka lang...kasi nakita natin siya kanina..." medyo pabulong ko na pahayag.
"Is there a reason for me to be mad?"
"Wala naman..."
"So, I'm not mad..." pinal na saad niya.
"Tristan naman eh," parang bata na pagmamaktol ko, "totoong hindi ka galit?"
"Hindi nga. Swear," natatawang sagot niya.
"Promise?"
"Haha. Kailangan ko bang magalit? Do you still love him?" pilyong tanong niya.
"No!" agarang sagot ko sa huling tanong niya. Hinang napatawa siya dahil sa naging reaction ko.
BINABASA MO ANG
The Memories of December [Sequel]
General FictionPlease read the BOOK 1 before reading this. HATING DECEMBER ang title ng book 1.