Chapter One - Ang Pagbisita

44 5 11
                                    

'Kon'nichiwa. Ohayo minna!' Pagbati nya sa kanyang tatlong purong Japanese na kaibigan ni Audrie na sina,Zack,Yui at si Aika. Nagulat ang tatlo nang makita nila ang isa sa kanilang mga pinakamatalik na kaibigan na ilang taong hindi nila nakita.

'Audrie-san! Ogenkidesuka?

(Kumusta kana Audrie?)Masayang tanong ni Yui na pinaka-bata sa kanilang magkakaibigan.

'Watashi wa genkidesu'

(Okay lang ako bunso.) Sagot ni Audrie sa tanong ni Yui habang nagyayakapan ang dalawa.

'Ay! Ang drama ha,kumain na nga kayong dalawa'

Saad ni Zack na magaling masalita ng Filipino kaya't madali lang para sa kanya na makipag communication sa mga Filipino guest na pumupunta sa Katsuyama (Fukui Prefacture).

'Uhmm Zack,sa totoo lang nag-punta ako dito para bisitahin ko ang Sofu ko'

Mahinahong pagpapaliwanag ni Audrie kay Zack.

'Oh so,pagkatapos mong bistahin yung lolo mo,anong susunod mong gagawin? Iiwan mo nanaman kami?'

Madramang tanong ni Zack habang kumakain ng Rice balls at sushi.

'Anong ka-dramahan nanaman ba yan Zack ha?' Bintukan ni Aika si Zack.

'Aray! Nagbibiro nga lang ako Aika-san. Kinakamot ni Zack ang kaniyang ulo.

'Oh Anata wa watashitoisshoni ikimasen ka?'

(Di nyo ba ako sasamahan?) Tanong ni Audrie habang nakapalumbaba sa kinakainang mesa nilang apat.

'Syempre sasama,ikaw lang naman yung nang-iiwan saming tatlo hahaha!' Pabirong sagot ni Zack.

....

Fast forward..

...

Nang marating nila ang Senga kuji temple ng Tokyo,biglang may naramdaman na kaaiba si Yui sa lugar doon. Napansin ni Aika ang pangangatog ng mga tuhod ni Yui kaya tinanong nya ito..

'Daijobudesuka?'

(Okay ka lang Yui?)

'A-ah oo!,okay lang po ako Aika-san' Pag-aalinlangan na sagot ni Yui.

Tumango nalang si Aika sa sagot ni Yui.

'Oh tamang-tama nandito yung taga bantay ng mga puntod dito sa simenteryo,itanong natin kung saan naka-himlay yung lolo mo Audrie'

Wika ni Zack habang nakatingin dun sa mamang nag-aayos ng mga bulaklak sa puntod.

Agad na pinuntahan nang apat ang taga bantay ng puntod para itanong kung saang banda nakahimlay ang puntod ng lolo ni Audrie.

'Uhmm Kon'nichiwa po mama,pwede po bang mag tanong?' Tanong ni Aika dun sa mamang nagbabantay sa mga puntod.

'Ano ho yung itatanong nyo sana sakin?' Nakangising saad nito.

'U-uhmmm,san po ba namin makikita yung puntod ni Kohta Sato?' Sabat ni Audrie.

Biglang nag iba ang ugali ng mama na at sinamaan sila ng tingin nito.

'A-ano pong problema kuya,may mali ba akong nasabi upang ikagalit nyo?' Tanong ni Audrie...

'Wag na wag nyo nang banggitin ang pangalan na iyan,sya ang dahilan ng pagka....'

Biglang naputol ang kanilag pag-uusap ng biglang nagbago ang ihip ng hangin at ng panahon, na tila'y parang uulan ng malakas na mayroong kasamang kulog at kidlat. Biglang sumigaw si Yui ng marinig nga niya yung malakas na kulog na lalong ikinatakot nito.

'Siguro,dito na muna tayo papalipas ng oras hanggang sa tumila yung ulan'

Seryosong saad ni Zack habang akap nya si Yui na ngayo'y takot na sa biglaang pag-dilim ng kalangitan at pag-lakas ng hangin..

Ang Huling HabilinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon