Chapter Two- Ang libro

25 4 1
                                    

Pumasok ang apat sa loob ng templo para sumilong at mag-intay na titila ang ulan.

'Di ko alam kung anong ibig sabihin ng mama kanina Aika,parang takot na takot sya sa....'

Naputol..

'Shhh! N-na-nandito na sya!'

Saad ni Yui na nanginginig padin.

'H-ha,ano bang pinag-sasabi mo Yui,kanina kapang di mapakali,okay ka lang ba?'

Umupo't niyakap nya si Yui nang biglang may narinig silang isang malakas na sigaw sa labas ng templo. Lumabas si Zack para tingnan kung ano ang nangyayari sa labas pero di nya makita ng klaro sa sobrang lakas ng ulan at hangin hanggang ang mga lampara sa loob ng templo na nagbibigay liwanag ay nahipan ng hangin. Mas lalong lumala nung napansin ni Aika na...

'Ah! Zack!'
Naupo.

'Oh anong nangyari Aika?'
Nag aalalang tanong ni Zack.

'T-tignan m-mo yung t-taong nasa likod mo Zack!'

Laking gulat ng lahat nang biglang tumila ang ulan at humina ang hangin at umapoy ulit ang mga kandila eh wala namang sumindi nito mula nung nahipan to ng malakas na hangin.

'Asan na yung taong naka-tayo sa likod mo Zack?'

Tanong ni Aika.

'W-wala eh,guni-guni mo lang siguro yun Aika'

Sabat ni Audrie.

Napabuntong hininga si Zack. Hindi nalang nya sinabi na nakita din nya yung taong naka-tayo sa kanyang likuran kanina para di na lalala yung nangyari kay Yui.

'Oh tumila na yung ulan,umalis na tayo.'

Aya ni Zack.

'P-pero,Zack.'

Protesta ni Audrie.

Napabuntong hininga 'Gumagabi na Audrie,at malayo pa yung sakayan ng bus dito papunta satin. Pwede naman ipagpabukas natin diba?'

Paliwanag ni Aika kay Zack.

"Oh sha sha pagpabukas nalang natin para safe yung pag'uwi natin sa bahay."

*KINAUMAGAHAN*

Naunang nagising si Zack nang may biglang kumalabog sa itaas ng templo,kaya dali dali syang tumayo't napansin nyang wala si Audrie sa hinihigaan nyang kortina. Hinanap ni Zack si Audrie hanggang sa nakita nya itong nakaharap sa isang TOMB,nakayuko ito habang umiiyak. Nilapitan ni Zack si Audrie para patahanin.

"Audrie" Tawag ni Zack.

*Sniff,sniff* Agad pinunasan ni Audrie ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi. "U-uy! Nanjan ka pala Zack,kanina ka pa?

*Sighed* "Oo at nakita kong umiiyak ka,halika nga rito"

Niyakap si Audrie ng mahigpit na ikinagulat nito.

Agad ulit namuo ang mga luha sa kanyang mga mata at humagulgol.

"A-alam mo Zack,kung naabutan ko lang si Lolo nung siya'y malapit ng mamatay edi masaya sana sya kahit sa huling sandali nang kanyang buhay. *Nagpatuloy sa pag iyak*

"Tahan na,wag mo nang isipin yung nangyari ng nakaraan,masasaktan ka lang ulit Audrie" *Pinunasan nya ang mga luha nya sa mukha ni Audrie habang tinitigan nya ito.*

Agad kumawala si Audrie sa tingin ni Zack at nagpasyang umuwi na sa  bahay nila.
.
.
.
...
..

Ang Huling HabilinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon