Chapter three - Ang Pagtuklas

15 2 0
                                    


At nang maka-uwi ang apat sa kanilang bahay ay nagtaka sila kung bakit parang may mali sa nangyayari. Agad na pumasok si Audrie sa bahay at pumasok agad sa kanyang silid at humiga sa naka-sapin na sahig nang may narinig syang craking sound na nanggagaling sa ilalim ng kanyang hinihigaang kahoy'ng sahig. Agad nyang binuklat ang sapin. May nakita syang naka-kwadrado sa sahig.

"Ano to?" Curious nyang tanongsa sirili.

Agad syang humanap ng pandukot para mabuksan yung naka-kwadrado sa sahig.
----

Nang mabuksan nya ay agad nyang nakita ang isang naka-kandadong maliit na kahon at mukhang sinadya talagang tinago for some reasons. Medyo malalaman din na may kalumaan ang kahon,kinakalawang na ang mga bisagra sa likod nito.

"Asan kaya yung susi nito" Ito agad ang pumasok sa isip ni Audrie kaya't tinawag nya ang tatlo.

"Senpai,Aika,Yui! Punta nga kayo dito,may ipapakita ako sa inyo." Pagtawag ni Audrie sa tatlo.

Agad naman pumasok ang tatlo upang alamin kung anong dahilan kung ba't sila pinapatawag ni Audrie.

"Ano ba yon Aud?"

Tanong ni Aika at sinundan naman agad ni Yui.

"Oo nga Audrie-san,ba't po?"

"A-alam nyo ba na may nakatagong kahon sa ilalim ng sahig dito sa silid ko?"

"Hindi Aud,bakit?"

"Tignan mo nga ito Zack,kakaiba yung kandado ng kahong to no,san kaya yung susi nito" Habang himas-himas ni Aud ang kanyang kuwintas.

"Eh susi ba yang pendant ng necklace mo Aud?"

"Oo,ba't mo naman natanong Zack,maganda ba?"

"Oo pero,"

"Pero ano?"

"Hubarin mo nga yung necklace mo Aud"

"Para ano?"

"Andami mo namang tanong,hubarin mo na kasi"

Hinubad ni Audrie ang kanyang kuwintas at tsaka binigay kay Zack.

"San mo nabili tong necklace Aud" Tanong ni Aika.

"Ay hindi,binigay yan ni lolo nung na confine sya sa Shizuoka Hospital,yun nga yung huling pagkikita namin ng lolo ko" Nakakapanlumong sagot nya.

*Creak sound*

"Nabuksan ko na Aud!"

Napabuntong hininga si Aud nang malaman nya na yung kuwintas na ibinigay ng lolo nya ay susi pala sa kahon na pinag tataguan nang isang lihim ng kanyang pamilya.

"Andaming larawan dito Zack,mga sulat at iilang gamit ng bata"

"Sino ba yang lalaking may kandong na bata?" Tanong ni Zack.

Nanlaki ang mga mata ni Aika nang mapansin nya na yung batang kandong kandong ng lalaki ay si Audrie.

"Diba ikaw yan Audrie?"

"A-ahmm,ewan ko kasi yung picture nato di na masyadong klaro yung mga mukha."

"Pero,para talagang ikaw yung nasa picture na kandong ka ng isang lalaki,di mo ba tatay yan Aud?" Nag taka si Audrie kung sino ba talaga yung tao na nasa larawan. Binaliktad nya yung larawan at may nakasaad na IKAW ANG PINAKA MASAYANG BAGAY NA DUMATING SA BUHAY KO,MAHAL NA MAHAL KITA ANAK.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Huling HabilinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon