Chapter 1: Friends

353 16 2
                                    

"Tsk. Ayan kasi tatanga-tanga. Yan tuloy nawala na." Reklamo ng bestfriend kong si Zainah.

"Sorry naman bes. Pero sigurado ako nandito lang talaga yun. Di ko naman yun ginamit pagdating ko sa room eh."

Kanina pa kami naghahanap dito. Nawala kasi yung cellphone ko. Pero sure talaga ako di ko yun inilabas pagdating ko dito sa room.

"Hay naku Julieanne Gonzales! Umuwi nalang kaya tayo? Time is gold at marami na tayong nasayang na oras."

Umiling lang ako sa kanya.

"Hindi pwedeng umuwi ako ng wala yun. Malalagot ako kay Papa. Tsaka importante sa akin yun. Regalo nila yun sa birthday ko."

Pinagpatuloy ko lang ang paghahanap hanggang sa namalayan ko nalang ang isang batang kumakalabit sa akin.

"Ate, ate may nagpapaabot po sa inyo."

Natigilan ako sa paghahalungkat ulit sa bag ko at tinignan kung sino ang nagsalita. Isang bata. Tapos dumapo naman sa kamay niyang nakalahad sa akin ang mga mata ko.

"Ang cellphone ko!!"

Napatalon nalang ako sa tuwa at bigla nalang niyakap ang bata.

"Salamat ha. Saan mo pala 'to nakita?"

Tanong ko sa kanya.

"Ahh... Hindi po ako ang nakakita niyan. Ibinigay yan sa akin nong lalaki kanina. Sabi niya ibigay ko daw sa inyo."

Ha? Sino naman kaya ang lalaking iyon? Siya kaya kumuha ng cellphone ko?

Tatanungin ko na sana ang bata pero bigla nalang siyang tumakbo.

Sayang naman. Sino kaya ang nagbigay nito?

"Huy! Bes? Ano? Tutunganga ka nalang jan? Halika na at malapit ng dumilim. Baka ma lock pa tayo dito. Kung sino man ang nagbigay niyan, pasalamat ka nalang."

Tama naman. Buti nalang talaga at sinamahan ako ng bestfriend kong 'to. Kung hindi baka hindi na ako nagkaroon ng lakas ng loob hanapin ang cellphone ko dahil takot ako sa multo. At kahit papadilim pa lang ay medyo madilim na sa parteng 'to.

Kahit naman kanina pa ako pinapagalitan neto ay naiintindihan ko naman siya. 'Di ko alam ang gagawin ko kung wala siya sa buhay ko.

"Oo na po."

Sagot ko sa kanya at umalis na nga kami sa school.

-----------

Nandito na ako ngayon sa bahay. Hindi parin maalis sa isip ko kung sino man ang mystery boy na yun.

May pangit na nagtext!
May pangit na nagtext!

"Ay pangit!"

Nagulat ako ng bigla nalang tumunog ang cellphone kong kanina ko pa tinititigan. Sino naman kaya to'ng unknown number na nagtext?

[Wag mo na ulit iiwan sa library ang phone mo. Kung di ko pa yan nakita baka nanakaw na yan. Kung magpapasalamat ka. You're Welcome :-) ...

See you in school Anne...]

Echoserang palaka! Iniwan ko pala sa library 'tong phone ko. Ok. Ako na ang tanga.

Pero sino naman kaya 'to? At saan niya nakuha ang number ko?

Malamang sa cellphone mong hindi mo nilagyan ng password.

Ay oo nga pala. Hindi ko pala 'to nilagyan ng password. Masyado kasi akong makakalimutin eh. Pero.. kilala niya ko? Hala baka naman pinagtritripan ako ne'to. Ay basta! Ang importante nasauli sa akin ang cellphone ko.

Let Me Be The One (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon