Part I

2.5K 40 45
                                    

Author's Note: Maikling kwento lang naman po ito eh! Di kayo mababagot! Mapapatawa kayo sa kilig! XD

                     BREAK NA TAYO KAPAG DALAWANG BUWAN NA

[ Arianne's POV: ]

 

“Ui, salamat sa pagpunta dito sa bahay namin ah.” Sabi ko kay Jake habang yakap-yakap ko ang kanyang braso. Nakaupo kami sa bubong ng bahay namin, pinapanuod ang mga bituin sa langit.

Shheeeeeeeeeeeet! Ang bango bango niya. Hindi na niya kailangang magpabango pa kasi mabango na talaga siya! Kung pwede lang hanggang sa pagtulog ko ay yakap-yakap ko parin siya! Pero uuwi narin siya mamaya! ENEBEYEN! T_____T

“Wala yun. Basta ikaw! Gagawin ko lahat, para sayo! Kahit ano! Huwag ka lang mahihiya! Ang lakas mo kaya sa akin.” Tinaas niya ang kanyang kamay at inakbayan niya ako.

“Ahy, nambola ka pa! ^____^” kinikilig naman daw ako kasi inakbayan niya ako. Pero hindi ako pahalata na kinilig ako! Mahirap na! Hahahaha!

Haaaay! Buti nalang dumating siya sa buhay ko. Kasi siya lang ang nagpapasaya sa akin ng ganito ee!

 

“Buti nalang umalis yung pamilya mo para bisitahin yung lolo mo para masolo kita ngayon. Hehehe!” sabi niya.

 

“Hahaha! Ikaw talaga! Siguro nagdasal ka na sana lumala yung sakit ni lolo para masolo mo ako ngayon noh!”

"Hehehe! Parang ganun narin!" 

"Ang sama mo ah! Tssssk!"  =__________= Binitiwan ko siya mula sa pagkakayakap sa kanyang braso at dumistansya.

“Joke lang! Ito naman. Hindi ka mabiro! Syempre ayaw ko naming mangyari yun sa lolo mo diba? Sorry na!” hinawakan niya ang magkabila kong balikat. And tinignan niya ako ng malagkit.

 

Shooocks! Yang mga titig na yan! Nakakatunaw! ENEBEYEN! Nakakainlove ka tol! Alam mo bay un! >______________<

 

Iniwasan ko na siya ng tingin “Hmmm, sige. Pero huwag mo ng uulitin yun ahhh! Kapag inulit mo yun uupakan kita!” banta ko.

 

"Ok boss! Di na po mauulit! :>"

 

Inalis na niya ang kanyang kamay sa aking balikat at nilagay niya ito sa likod ng kanyang ulo at humiga sa bubong. Habang ako naman ay umayos ng upo.

Mga ilang minuto rin kami na walang kibuan. Nakatingin lang kami sa langit.

 

Break Na Tayo Kapag Dalawang Buwan NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon