Author's Note: Ayiiieee! Ito na po yung part III o ENDING. Hahaha! Ambilis noh? Three Parts lang. Kase dapat one shot lang ito eh. Pinahaba at pinaganda ko pa kasi ee. Thanks po for giving a chance to read my story. Enjoy reading guys.
Mga 10 mins lang ang oras ng pagbibiyahe. At heto na! Nasa harapan na ako ng bahay nila. Kumatok ako sa pintuan nila. At si Arianne nga ang sumagot.
"Oh, Jake! (niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang tibok ng puso niya. Para bang alalang-alala sa akin) Ano? Ok ka na ba? Pasok ka muna."
Pumasok ako. "Arianne. Pumunta ka pala sa bahay namin kanina?" tinignan ko siya sa mata sa mata.
"Oo eh. Tatanungin ko sana kung ok ka lang. Alalalang alala na kasi ako sayo ehh! Hindi mo sinasagot yung calls at text ko. Kaya pumunta ako dun. Tinawag ka ni Mama mo pero hindi ka bumaba kaagad kaya umalis na ako kasi nagtext si Mama ko na punta raw ako dito sa bahay. Sandali lang kuha lang ako ng maiinom sa ref." sabi niya. Naglakad siya papunta sa kusina pero hinawakan ko ang kamay niya. Napahinto siya sa paglalakad.
"Arianne. Paano yan?! Hindi na ba magbabago ang desisyon mong tapusin ang dalawang buwan nating kasunduan? Heto na oh! Huling araw na ito! Bigyan mo naman ako kahit konti pang araw." paiyak kong sabi.
"Hindi na eh. Buo na ang desisyon ko. Sorry! Atsaka, ano ba ang sinasabi mong huling araw?" patawa namang sabi niya.
"Ok. Ito na siguro ang huli nating pagkikita. Binitiwan ko siya. Tapos na ang dalawang buwang nating pagsasama. Mamimiss kita! Paalam!" at niyakap ko siya ng mahigpit. Habang palabas na ako ng pinto,
"Wait lang!" Nakangiting sabi niya. Lumapit sa akin si Arianne at hinila niya ako papaakyat sa bubong ng bahay nila.
"Anong ginagawa natin dito sa bubong ng bahay niyo."
“Naalala mo, diba, dito kita sinagot.” Umupo siya sa bubong ng bahay nila.
“Ahhmm, ok. So, ano ngayon?” umupo narin ako.
“Naalala mo yung sinabi ko na Break Na Tayo Kapag Dalawang Buwan Na?”
“Oh, naalala ko yun.”
“Break Na Tayo Kapag Dalawang Buwan Na!”
“Huuhh?? Ang gulo mo!” napakamot ako sa ulo ko.
"Hmmm! Ano ba yan! Tumingin ka nalang sa langit!" painis na sabi niya.
Tumingin ako sa langit gaya ng sabi niya.
"Ganda noh? Ngayon, ano ang nakikita mo?" tanong niya.
"Mga bituwin."
"Ano pa?"
"Mga Ulap."
"Haay! Ano ang pinakamalaking nakikita mo?!"
"Ang buwan!"
"Ngayon, Ilang buwan ang nakikita mo?"
"Isa. Bakit?"
"Diba, sinabi ko sa iyo na magbrebreak lang tayo kapag dalawang "BUWAN NA" ?".
"Ahy! Hahaha! Ikaw naman Arianne oh! Kahit kailan talaga PALABIRO KA! Siguro nga sa saya ko, namiss understood ko ang sinabi mo! Pero di mo ba alam, kahit ganyan ka, MAHAL NA MAHAL KITA! Handa kong isakripisyo ang buhay ko para mahalin mo lang ako. Katulad ng paghihintay ko sa iyo! Kasi hindi ako basta-basta nawawalan ng pag-asa. Matapang yata ito! Hehe!" sabi ko. Napalitan ng tawa ang aking lungkot na nadarama.
"Hindi kaya! Para ka ngang bading kung makapag-emote diyan eh! Hihihi! :)" asar niya.
"Haha. Kalimutan mo na iyon! :) So, ito na siguro ang simula ULIT ng relasyon natin na walang katapusan gaya ng pagmamahal ko sayo. Na walang katumbas kahit na ginto pa ang ipalit mo."
"Alam mo, kahit yung kilos ko ay pambata, kapag sinabi kong MAHAL KITA, maniwala ka! You know why? Cause kids don't lie! :D" banat niya sa akin.
"Haha! Alam mo, kahit anong mangyari, hinding-hindi ako mawawala sayo. Dahil ikaw ang mundo ko, at ikaw ang mahal ko. Kaya asahan mong nandito lang ako. Kasama mo kahit sa panahong wala na ako sa mundo! banat ko naman sa kanya.
"Basta lagi mong tatandaan, (lumuhod ako) Kahit karagatan pa ang aking tatawirin, mga matitirik na bundok ang aking lalampasin, aking susubukin, aking kakayanin, basta sa puso mo ako darating! MAHAL NA MAHAL KITA ARIANNE! Kahit sa huling hininga ng buhay ko hindi ako mawawala sa tabi mo! Andito lang ako para proteksyonan ka, alagaan ka, iingatan ka at mamahalin ka ng buong-buo! I LOVE YOU ARIANNE" (tumayo ako galing sa pagkakaluhod at kiniss ko siya. A soft passionate kiss)
"I LOVE YOU TOO JAKE!" (sabi niya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit at naramdaman ko ang kanyang puso na tumitibok-tibok kasi ang kahulugan nun ay mahal niya din ako! :>)
At pagkatapos nun, nabuhay kami bilang magkasintahan hindi dahil sa isang kasunduan na pangkatuwaan lang kundi sa dalawang pusong nagmamahalan. At dito na nagtatapos ang aking storya. Salamat sa pagbabasa. :) Votes and comments narin po! :)
BINABASA MO ANG
Break Na Tayo Kapag Dalawang Buwan Na
RomanceKaya kong tiisin lahat ng sakit, galit, at hinanakit. Huwag ka lang mawala sa akin. Pero kapag magbre-BREAK NA TAYO KAPAG DALAWANG BUWAN NA, hindi ko yata makakaya. -Jake