PART 1

55 0 0
                                    

Siguro medyo nag sasawa na kayo sa kwentong palaging babae ang bida. palaging babae ang inaapi ng kani kanilang mga asawa ngayon iibahin naman natin yan..  kung sila merong the battered Wife.. ako. naman ay merong the battered husband..

sana ay magustuhan ninyo, wag kalimutang mag like, subscribe at mag share ng aking kwento.. choss. feeling YouTube lang ang peg, 😂

EONEL POV

" Jessie ! ano na naman ba yan? bakit andami mo na namang pasa sa mukha? nakipag bugbugan kna naman ba? "  naiinis na sigaw ko sa asawa ko na ngayon ay kakauwi lang ng bahay galing sa kung saang lupalop.

" Pake-alam moba? manahimik ka dyan kung ayaw mong masampiga din kita " inis na sagot nito sa akin at dire diretsong tinungo ang kwarto namin at padabog na isinara ito.

" hayst.."

wala na naman akong nagawa kundi ang bumuntong hininga nalang.
pumunta nalang ako sa ref at kumuha ng Ice cube at inilagay ito sa isang maliit na towel..

tinungo ko na ang kwarto namin at nakita ko ang asawa ko na kasalukuyang nagpapalit na ng kanyang uniporme.. na animoy isang basahan sa dumi at may kaunti pang punit.

" Heto. ilagay mo sa mga pasa mo"
sabay abot ko sa kanya ng towel na may yelo.

" salamat" sagot naman nya sa akin at inilagay na sa kanyang ibabang labi na may pasa ang towel.

" Ano ba kasing nangyari?"
mahinahong tanong ko sa kanya. Baka kasi pag napasigaw na naman ako ay ako na naman umbagin nito kagaya nung nangyari nung isang araw.. juskolord, ayaw kona maulit iyon..

" eh kasi yung kaklase natin kaninang si Chelsea.. napaka yabang! akala mo kung sinong maganda! wala naman palang binatbat.. sabihan ba naman ako ng Slut! ingudngod ko nga ang mukha dun sa putikan" paliwanag nito habang dinuduro duro pa ang daliri kung saan. kaya pala sobrang dumi ng damit nya..

hay nako yan nga pala ang asawa kong si Jessie Keith Smith-Domingo 22 years old.
maganda, pero Siga.. parang hindi babae kung kumilos
sya yung tipo ng babae na hindi mo basta basta pwedeng asarin at bwisitin dahil panigurado.. gulo.. at bubog sarado.. wala syang inuurungan.. Leader panga sya ng isang malaking Gangster sa University na pinapasukan namin, kaya madami ang takot sa kanya.. sikat sya sa buong school hindi dahil sa good image, kundi Bad image.. palagi syang nag uumpisa ng gulo.. kahit ata ang mga prof ng school.. takot din sa kanya kaya hindi sya pinapake elamanan..

samantalang ako.. eto lang si Eonel Clark Domingo 22 years old din. isang tahimik, pero mabait, maunawain, hindi sikat pero palaging bibubully dahil sa unang una na sa lahat, hindi ganun ka gwapo..  at
walang dating..

pero kahit ganyan kami.. mahal na mahal namin ang isat isa kahit hindi halata.. :) kahit palagi nya akong binubugbog..

------------

EONEL POV

" Eonel! Pasok na ako!"

sigaw ng misis ko mula sa sala andito kasi ako sa kusina at di pa tapos mag agahan, naunahan na naman nya ako.. bilis bilis kasing kumain.

" O-" di pa man ako nakaka sagot ay narinig ko na ang pag lagapak ng pintuan..

hay nako talaga.. walang ka yumi yumi sa katawan hehe.. at napaka sweet sa kabaligtaran..

binilisan ko na din ang pagkain dahil baka malate pa ako.

pansin nyo di kami sabay pumapasok? kasi ayaw nya..
hahaha ayaw nya kasi malaman ng buong campus na may asawa na sya na tulad ko..kasi baka masira daw ang kanyang image. ang hurt diba..

Ang Asawa kong SigaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon