THE MAN WHO CAN'T BE MOVED

16 1 0
                                    



It was my first day in college when I first saw him.


Uwian noon nasa tapat ako ng gate at naghihintay ng jeep, napalingon ako sa gate ng may marinig akong ingay and the there I saw a man holding a lot of books and laughing with his friends.

Hindi naman kasi talaga ako naniniwala sa love at first sight pero that day, I knew I was in trouble kasi the first time that I saw him, alam kong magiging parte na siya ng buhay ko.



But that time I didn't know that he's a man who can't be moved...





I fell.










I, Xia Mariel Del Villin fell to the man who can't be moved.

______________________________________

"Xia!" lumingon ako sa kaklase kong si
Aziel Adler, my man, the man who can't be moved.

"Bakit?" I asked

"Tignan mo si Warren parang si Naruto kung tumakbo HAHAHAHA" tawang tawa na sabi nya.

Sa totoo lang di naman kami close ni Aziel at hindi ko alam bakit ang feeling close ng lalaking to.

"Ahm oo nga ha ha" hindi interasadong sagot ko.

Simula noon lagi na syang lumalapit sakin at hindi nagtagal naging magkaibigan kami.

Aziel Adler was madly and deeply in love with Annika. Annika was his childhood best friend. They were once a lover but shit happens, Annika cheated on him.

It was 5 years ago but Aziel is still into Annika and it hurts me because I fell to the who can't forget his past.

"Xiaaaaaa!"

Nagulat ako nung may bumatok saken it was Aziel

"Ano ba?!"

"Eh kanina pa kita kinakausap kung saan mo gustong pumunta ngayon di ka naman pala nakikinig"

"Eh? Sa BGC na lang tayo"


Medyo padilim na nung dumating kami sa BGC, umupo kami sa may bench para magpahinga dahil kakatapos lang namin mag ikot-ikot at mag arcade ito ung bonding namin everytime na may oras kami.

"Ang ganda ng city lights" nakangiting sabi ko habang tinitingnan ang mga ilaw sa paligid.

"Oo nga ang ganda. Alam mo pareho kayo ni Annika, gusto din nya ang ganitong lugar" he sigh

"Sya pa rin ba hanggang ngayon?" I asked kahit na alam ko naman ang sagot.

"It will always be her."

I fake a smile and said

"Then win her back"

"Malapit na Xia, malapit na"

Ngumiti sya sakin at nagsimula na siyang magkwento sakin, last month pala nagkachat sila at next week mag- uusap sila about their relationship.


Dumaan ang isang linggo at nabalitaan kong sila na ulit. I congratulate them and I also said that I'm happy for them even though I'm not.

Dahil nga sila na ulit Aziel and I lost communication. Ang sakit lang kasi bigla na lang akong naechapwera, tsaka mahal ko eh, mahal ko na sya.





Nandito ako ngayon sa BGC, nakaupo ako sa bench kung saan kami umupo noon ni Aziel. Nakatulala lang ako I was reminiscing our memories together, nagulat ako ng may dumamping tela sa pisngi ko.

And there I saw man holding a handkerchief, he smiled at me.

"Hi! Ito oh panyo hindi bagay sayo ang umiyak"

"O-oh thank you"

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang inaalala ko ung memories namin together.

"Anong pangalan mo miss?"

"I'm Xia. Ikaw?"

"My name is.  Zachary but call me Zach"

Sinamahan ako ni Zach mag liwaliw dito buong mag-hapon.

"Thank you Zach ah"

"You're always welcome"

At simula noon naging magkaibigan kami ni Zach, nalaman ko din na pareho pala kami ng school kaya naman lagi kaming magkasama pag free time.

"Xia..."

"Why?" Nakakunot noo kong tanong kay Zach nasa rooftop kami ng university dahil mamaya pa ang pasok ko at ganon din sya.

"Xia may sasabihin ako sayo, sana, sana kapag sinabi ko to walang magbabago sa 'ting dalawa"

"Sige ano ba yon?"

"Xia I like you you, hindi bilang kaibigan kundi bilang babae..."

"I- ahm Zach...."

"Xia you don't need to say anything but please let me court you. Please."

I was so shocked at mas lalo akong nagulat nung lumuhod si Zach sa harap ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko!

"Zach ano ba!"

"Please let me court you"

"S-sige bahala ka tumayo ka na jan!"


After two months naging kami na no Zach.

Hindi ko alam mung namamalikmata lang ba ako o totoo, nung panahon kasi na sinagot ko si Zach parang nakita ko si Aziel he was crying while looking at us, kaso lang ng tignan ko ulit ung pwesto nya kung saan ko sya nakita wala na sya don.


Aziel's POV

Walang reaksyon akong nakatingin kila Zach at Xia. Hindi ako makagalaw, naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Bago pa ko gumawa ng eksena ay umalis na agad ako sa lugar na yon.

Tangina! Xia was my first and great love. Xia was my childhood best friend. 5 years! 5 years kong tinago sa kanya ang totoo kasi bawal.

Bawal kaming dalawa.

Xia and I were once a lover but shit happens, Dianna kissed me and she saw it.

Tinulak ko noon si Dianna at sinundan ko sya pero huli na nasagasaan sya ng kotse. Ilang buwan syang nasa coma at nang magising sya ay nagkaroon sya ng amnesia.

Simula non hindi na ako pinalapit ng pamilya sa kanya. Kaya naman nung malaman kong dito sya mag-aaral ay kinaibigan ko sya at sinubukan kong ikwento sa kanya ang kwento namin dalawa. Siya si Annika sa kwento ko. At nalaman ng pamilya nya ang ginagawa ko kaya naman ginamit ko si Annika ang pinsan ko*totoong Annika* para hindi sya ilayo ng pamilya nya sakin.

Buong akala ko kasi maaalala nya ko, akala ko kasi pwede pa. Akala ko lang pala.

Huli na ang lahat masaya na siya sa iba at heto pa din ako minamahal sya ng patago.

I'm Aziel Adler and I am the man who can't be moved.




THE MAN WHO CAN'T BE MOVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon