[AIWBP] Chapter.01

50 4 0
                                    

Lexy pov.

Ngayon ang Exam ko sa Yuan’s University actually katatapos ko lang mag exam at hindi ko akalain na madali lamang ito.

“Ms.Zue hindi po ngayon malalaman ang final score nyo padadalhan na lamang po kayo ng letter ng school ibigay nyo nalang daw po ang address nyo’’ sabi nung babae

‘’Ahh ganon po ba sge ho’’ at binigay nya sakin ang hawak nyang paper at sinulat ko ang address ko pagkatapos ay lumabas na ako. Sa totoo wala naman talaga akong balak na mag test dito kunghindi lang sinabi sakin ni nanay isa na may scholar daw sa Yuan’s university agad akong dumiretsiyo sa bahay naming at sumalubong sakin ang mga kapatid ko si junjun at aiya (aya)

“ate kamusta ang exam sisiw lang ba” tanong agad ni junjun

‘’opo sisiw lang junjun”

“ate kapag nakapasa ka ha bibili mo ako ng donuts ha ate ha’’ sabi ni aiya’’

‘’sge po ate aiya’’ at ngumiti naman si aiya at tumakbo papunta sa nilalaro nya hay Makita ko lang ganyan kasaya si aiya ay masayang Masaya na ako.

‘’Anak kamusta ang exam napagod kaba kumain kana at magpahinga pupunta na ako ng palengke mag bubukasan na para maka benta naman tayo’’

‘’nay hindi napo sainyo napo yun alam kong hindi nanamna kayo kumain para tiran lang ako ng pagkain nay ako nap o ang pupunta sa tindahan mag pahinga na lamang po kayo’’

‘’ang swerte ko talaga sayo anak kahit na hindi kita tunay na anak e tinuturing mo akong tunay na ina. Mahal na mahal kita lexy anak.’’

‘’ganon din po ako kahit na hindi ko kayo tunay na ina mahal na mahal ko kayo at higit pa sa tunay na ina ang turing ko sainyo nay’’

At niyakap ko siya pagka tapos ay umalis na ako pumunta na ako sa tindahan oo nga pala ako nga pala si Lexy blaise Zue bata palang daw ako ay wala na akong magulang kaya kinupkup ako ni nanay isa at tinuring na tunay na anak.

Freddi pov.

‘’Madam nakita ko napo si blaise alam ko narin ang tinutuluyan nyang bahay, madam meron po silang tindahan sa palengke at andito po ako ngayon tinitignan sha. ‘’

‘’Ganon ba mabuti naman at ligtas siya, kamusta ang pagkunbinsi sa kumukupkop sakanya naka usap mo nab a, yung tungkol sa Exam nya’’

‘’opo madam naka usap ko na at tapos na pong mag exam si blaise sa Yuan’s University hininhintay nalang ang Finals ng grade nya’’

‘’ganon ba, kapag hindi sya nakapasa ay gawin mo ang lahat para makapag aral parin siya sa Yuan’s University Freddi.’’

‘’pero madam Malabo po atang hindi makapasa si blaise pinakita sakin ng nag bigay sakanya ng exam at sinabing magaling daw po siya matalino daw po siya kanina nung pumunta ako sakanila ay marami siyang medalya at lagging top 1’’

‘’ganon ba. Mabuti naman talagang nagmana siya kay tiffany sige na ibaba ko na ito.’’

‘’sge po madam babalitaan ko nalang po kayo ulit’’

Lexy pov.

Nagising ako ng bigla akong tinawag ni nanay isa.

“Anak LExy.. lexyy anak gising ito na yung resulta ng exam mo sa yuan’s university dali anak buksan mo na’’ agad naman akong napabalikwas ng higa at pumunta agad kay nanany isa

‘’talaga nay asan na po’’ at binigay nya sakin ang black envelope pag bukas ko ay agad kong tinignan ang resulta.

“NAYYYYYYYYYY AHHHHHHHHHH NAKAPASA PO AKOOOOOOOOOO HAAAAAAA’’ sigaw ko sa tuwa.

Accidentally In Love with Black PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon