[AIWBP] chapter. 016

16 2 0
                                    

Zack pov.

Umuulan na, antagal naman ni lexy asan naba siya? Kanina pa ako naghihintay dito sa booth tapos ng maglikpit yung mga kasamahan namin ngayon ang end ng foundation day mamayang gabi may party na magaganap.

‘’zack’’

‘’oh bat ngayon ka lang kanina pa kita hinihintay ha.’’

‘’ahmm kase Zack—‘’

‘’mamaya mo na ako kausapin kanina pa ako nag pareserved ng pagkain sa canteen ikaw nalang hinihintay ko’’ hinila ko na siya agad alam ko na sasabihin nya e, si Tristan nanaman na sabay silang mag lulunch. Pano ko nalaman malamang narinig ko sila kanina syempre ako ang hubby nya ayokong sumama siya sa iba kaya niyaya ko rin siyang mag lunch haha bahala ka Tristan mamatay ka sa ingit.

Pagdating naming sa canteen ay pinaupo ko agad siya,

‘’ayan na yung pagkain natin’’ at agad namang nireserved ang pagkain naming

‘’zack kase may sasabihin pa ako e’’

‘’lexy masamang dumadaldal habang may pagkain sa harap, kumain kana nga lang mamaya mo na sabihin ang sasabihin mo okay. Dika paba nagugutom. Kumain ka na nga’’ at wala rin siyang nagawa kundi kumain nalang

‘’well well well tignan mo nga naman kung sino ang magkasabay kumain hahahaha’’ napalingon kaming dalawa  ni lexy sa nagsalita si Natasha pala

‘’’’Ano nanaman bang problema mo natasha’’ sabi ni lexy

‘’Wala naman gusto ko lang sanang maki share sainyo ng seat naubusan na kasi ako e, saka kung pwede lang naman diba.!’’

‘’sige umupo kana’’ at bigla siyang tumabi sakin.

‘’hayy namiss ko to yung sabay tayong kakain Zack’’ sabi ni Natasha sakin, hindi nalang ako kumibo at kumain nalang muna ako mahirap kiligin, dahil meron parin akong feelings kay Natasha mahal ko parin siya at natutuwa ako dahil mukang gusto nya parin ako.

‘’ahmm Zack tapos na ako kumain una muna ako ha’’ sabi ni lexy

‘’ah sige’’ at bigla siyang tumayo at umalis agad

‘’mukang nagselos ang Girlfriend mo ha’’ sabi agad ni Natasha

‘’hahaha selos wala sa bukabolaryo ng babae nayon ang selos’’

‘’haha kung makaasta ka parang hindi mo siya girlfriend’’

‘’hindi naan talaga e--- ayy sorry ganon lang talaga kami hindi sweet pero mahal naming ang isat isa’’

‘’hahahaha talaga nadulas kapa ha, pwede mo namna sabihin sakin ang totoo e hahah babe mo ako diba’’

‘’natasha dati yun hindi ngayon kaya pwede ba itigil mo yan’’

‘’haha okay pero aminin mo muna sakin na mahal mo parin ako at ititigil ko nato’’

‘’hindi na kita mah—‘’ naulat ako ng bigla nya akong hinalikan sa labi ng mabilis

‘’ano hindi mo parin ako mahal, Zack babe alam mo ba mahal na mahal parin kita, pwede ba tayo nalang ulit hiwalayan mo na si lexy ako na lang please. Nag sisi na ako sa pag iwan sayo nagbago na ako, ako nalang ulit please’’ at may luhang lumabas sa magaganda nyang mata

‘’mahal din kita Natasha ayoko rin na mawala kapa sakin, mahal na mahal kita’’ at niyakap ko siya ng mahigpit ganon din siya.  Mamaya kakausapin ko na si lexy na ititigil nanamin yung  pagpapanggap naming tapos na ang misyon nya sa buhay ko kami na ulit ni Natasha at yun lang naman ang dahilan kaya kami nagpanggap para  maging kami ulit ni Natasha ngayong kami na wala na akong problema.

Lexy pov.

Tinext ako ni Zack mag usap daw kami buti naman naisip nya rin ako akala ko kasi sila na nung Natasha nayun e at kinalimutan nya na ako, teka bat ganto yung feeling bat nasasaktan ako pag kasama nya si natasha .. BOBO ka lexy malamang gusto nya si natasha nagpapanggap lang kayo na kayo wag kang tanga! nandito ako sa bench ito yung una kong naupuan e, yung bagong dating kodito sa school nato.

‘’lexy’’

‘’ohh andyan kana pala’’

‘’kanina kapaba naghihintay?’’

‘’hindi naman kararating ko lang’’ kahit kanina pa ako naghihintay

‘’mukang uulan nanaman ohh. Katitigil lang ng ulan e ..  tara dun tayo sa room’’

‘’wag na dito nalang ano ba yung sasabihin mo?’’

‘’LExy sobrang saya ko tapos na ang misyon natin’’

‘’ha? Anong misyon? Diko gets’’

‘’hahah slow nito. Kami na ulit ni Natasha so it means na tapos na yung pagpapanggap natin pwede na nating itigil ohh diba balik na sa normal ang lahat.’’ Bigla lang akong natulala habang siya naman ay ngitingngiti

‘’ohh diba okay na. thank you lexy saa lahat, sige mauna na ako ha, hinihintay na ako ni Natasha e sige bye na’’ kasabay ng pag alis nya ay parang binagsakan ako ng langit at lupa hindi ko alam kung anong magiging reaction ko kung iiyak ba ako malulungkot, tatawa, ngingiti,magiging Masaya para sa kanila. Napaupo nalang ako at napatulala pagkatapos ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Pero hindi parin ako umalis sa kinauupuan ko naiiyak ako bakit? Saka bat ako nasaktan sa sinabi nya? Mahal ko naba siya? Pero parang saglit lang naman yun ha? Saka hindi naman siya nagging sweet sakin? Niwala ngang happy memories na kasama ko siya? Puro pahirap lang ang ginawa nya sakin. Tapos bakit ako nasasaktan ng ganto. Anong punyetang feelings to? At hindi ko na kinaya umiyak na ako ano bang kasalanan ko bat nararamdaman ko to? Napakasaama koba? Bakit nagkakaganto? Nanaginip ba ako? Kung panaginip to sana magising na ako agad dahil hindi ako natutuwa. Ayoko ng panaginip na ito.

Accidentally In Love with Black PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon