Napasa ko na din ang project namin ni Klea.
Si Klea wala pa siya dito mukhang aabsent din iyon.
"Hi Kara..." bati ni Mika
"Tabi tayo Kara" sabi ni Mika
Tumabi namana ko sa kanya.
"Alam mo ba si Klea gustong gusto talaga si Gerome since noong nakilala niya dahil yung mama ni Gerome kaibigan ng mama ni Klea"kwento ni Mika
"Talaga?"
"Inlove na Inlove si Klea dun eh kaya lang..."
"Kaya lang?"
"Hindi siya pinapansin ni Gerome kahit na anong gawin ni Klea.Hindi siya gusto ni Gerome"
"Alam ba ni Gerome ?"
"Hmm ata? Nahahalata naman siguro nun kahit hindi umamin si Klea dahil halata sa kilos nung babaeng yun ang mga ginagawa niya para kay Gerome"
"Tiyaka inaasar ko din si Klea dun kay Gerome kaya panigurado napapansin naman niya yun"
"Bwiset kasi yung babaeng yun umabsent pa"
"Bakit daw pala si Klea absent?"
"Napagod sa outing niya"
"Sa totoo lang Kara.Minsan nakakainis si Klea dahil ayaw niyang makinig sa mga payo ko sa kanya"
"Mas inuuna niya pa kasi iyong outing kaysa sa project tapos minsan umaasa na lang siya sa mga taong nakapaligid niya lalo na sayo"
Naisip ko din lahat ng sinasabi ni Mika pero dahil kaibigan ko si Klea kaya ko siya tinutulungan at wala namang problema saakin 'yun.
"Hindi ka ba naiinis kay Klea?"
Sa aming dalawa ang mas close talaga ni Klea ay si Mika.Hindi ko lubos maisip na may inis din palang tinatago itong si Mika kay Klea.Ganon naman kapag magkaibigan hindi maiiwasan ang inis,away,at alitan.
"Hindi, kaibigan ko kayo at kahit kailan hindi ko kayang magawang magtanim ng galit o kahit inis man lang sa inyo",sagot ko
"Andiyan na si Maam!",sigaw ng isa sa mga classmate ko.
Bumalik na kami sa aming kanya kanyang upuan.
-----
"Byeee Kara" paalam ni Mika
Nagpaalam na din ako.Sumakay na siya sa sakayan dahil mauuna daw siya,kailangan ko pa kasi bumili ng notebook para sa isang subject namin.Ayaw ko din muna umuwi kung pwede nga lang huwag na akong umuwi ginawa ko na.
"Kara..."
Hinanap ko ang tumatawag sakin.Napalingon ako sa aking kaliwa at nakita ko ang isang lalaki na mukhang nakatingin saakin,siya kaya yung tumaawag?
"Kara..", wika ng lalaking nasa kaliwa ko.Lumapit ito saakin.
Hindi ko siya kilala at hindi ko matandaan mukha niya.
"Bakit po?"tanong ko
"Ahmm, mag-isa ka lang umuwi?"tanong niya na ikinakunot ng noo ko.Bakit naman kaya niya naitanong?
"Ahh..oo"tipid kung sagot, hindi ko siya kakilala o matandaan kung nagkita na ba kami o hindi pero parhas kami ng school at isa pa kilala niya ako.
"Ako si Gerome.."pagpapakilala niya
Ngunit hindi ako tumingin sa kanya at nagaabang ng masasakyan.Bukas na lang ako ng maaga bibili ng notebook para may rason ako para umalis ng maaga sa bahay..
Teka nga... sabi niya Gerome pangalan niya ibigsabihin siya iyong kinukwento ni Mika kanina na matagal ng may pagtingin si Klea?
Tumingin ako muli sa kanya at nakatingin siya saakin.Natatandaan ko na siya.Siya iyong lalaki na natitipuhan ni Klea.Yung lalaking tinawag ni Mika sa canteen.
"Kakilala mo ba si Klea?"tanong ko para makasigurado.
Ang hina masyado ng memorya ko at hindi ko alam kung bakit.
"Oo, ok lang ba Kara na sumabay ako sayo umuwi?"tanong niya
"Oo naman,ikaw pala yung lalaking gusto ni Klea.Pasensya ka na hindi ko kasi naalala itsura mo" saad ko dito
"May Jeep na"biglang saad niy
Sumakay na ako ng Jeep at ganoon din siya magkatabi kami ngayon.
Habang umaandar ang Jeep magkahalong kaba ang aking naramdaman at parang gusto ko na lang tumira sa school pero hindi ko magawa.
Ilang saglit pa ay bumaba na ako ng Jeep ganoon din siya.Dito ba siya nakatira?
"Mauna na ako Gerome" saad ko naman
"Dito ka din pala nakatira?"tanong ko
"Sa may Villa 2 lang ako nakatira, ingat ka Kara"saad niya at ngumiti
Ngumiti din ako pabalik at umalis na sa harap niya at naglakad papuntang bahay.
BINABASA MO ANG
Kara (COMPLETED)
القصة القصيرةAndiyan ako sa tuwing kailangan nila ako pero noong kailangan ko sila, nasaan sila?