chap5..

17 0 0
                                    

Chapter five

“mommy.” Tawag sa kanya ni Raffy.

Nasa garden sila at nagaalmusal.

“yes?”

“when will I see Tito Miggy again?” tanong nito bago uminom ng gatas.

Napatingin siya dito.

“why?” taking tanong niya.

“I just want to see him. Don’t you?” balik nito sa kanya.

Napatingin siya sa pool.

Gusto niya ba talagang makita si Miggy.

oo.

pero hindi pa siya handa.

“of course I want to see your Tito Miggy. But baby, busy pa si Tito Miggy eh. Baka matagalan pa bago natin siya makita.”

Three days na kasi ang nakalipas simula ng sunduin nila si Raffy sa school. Di na niya ulit ito nakita. Baka ayaw pa siyang makita. Baka tulad niya hindi pa rin ito handa.

Napabuntong-hininga si Raffy. “I want to see him na.” malungkot ito.

Tumabi siya dito. “don’t worry. I’ll tell him.”

Tahimik na ito.

Siya naman ang napabuntong-hininga. “gusto mo pumunta tayo sa arcade?”

Umiling ito. “I want to be with Tito Miggy.”

Naman eh!

Pinapahirapan mo ko.

“gusto mo tawagan na lang natin siya?” di siya sure sa sinabi.

Nagliwanag naman ang mukha nito. “sige mommy. Let’s call Tito Miggy.”

Nag-alangan siyang kunin ang phone pero nakatingin sa kanya si Raffy.

Idinial niya ang number nito.

Please. Answer the phone.

Nape-pressure siya sa paghihintay ng anak.

“hello?” kinabahan siya nang marinig ang boses nito.

“hi.” Sagot niya.

“what do you want?” parang wala ito sa mood kausapin siya.

Tumayo siya at lumayo ng konti kay Raffy.

“busy ka ba?” pabulong na tanong niya dito.

Napabuntong-hininga naman ito. “oo.”

Nadisappoint sya.

Anong akala niya? Sasagot ito ng hindi at pupuntahan silang mag-ina.

“ah. Ganun ba. Sige pala. Salamat na lang.”

Ibaba n asana niya ang phone.

“wait.” Pigil nito.

Kinabahan na naman siya.

“yes?”

Di agad ito nagsalita. “ bakit ka napatawag?”

“ah, si Raffy kasi hinahanap ka. Gusto ka daw biya makita. Kung pwede?” medyo nhihiya niyang sagot.

“okay. I’ll be there.” Sagot nito saka binaba ang phone.

“agad?!” nagulat siya.

Talaga? Iiwan nito ang mga ginagawa para sa kanya?

Napasimangot siya.

Para nga pala kay Raffy.

Sinabunutan niya ang sarili.

The Next Big Thing (formerly the 'sweeter the second time around?')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon