Chapter 20

40 5 3
                                    

-cause all of me loves all of you, love your curves and all you edges, all your perfect imperfections~-

Kumakanta ako ng biglang....

"Uy baka umulan" leshe 'tong boyfriend kong 'to, panira ng moment! Ang ganda ganda ng kanta ko dito eh hahaha!

"Weh epal ka talaga" kinikiliti nya naman ako, panira ng trip haha! Walang magawa sa buhay! Hiwalayan ko kaya 'to? JOKE! Di ko kaya haha!

"Uhm, Elaine..." nginitian ko sya pero kinabahan din ako kase parang seryoso sya sa sasabihin nya.

"May itatanong ako sayo..." hmmm?

"Ano yun?"

"Uhm, ano..." pabitin naman 'tong lalaking 'to!

"Anooo?"

"P-pogi ba ko?" ay sus! ang pogi pogi mo para saken promise!

"Tangina ka! Yun lang pala, pinakaba mo ko!!!! Kainis ka!!!" pinag hahampas ko sya at pinag susuntok ko sya sa braso at dibdib nya' kainis 'to! Pinakaba yung heart ko! Awch

"Hahahahaha" tawa lang sya ng tawa pero pinipigilan nya din akong saktan sya. Halika nga dito Frixz tuwang tuwa ako sayo, sasapakin kita! Hahaha!

"Uhm .... Elaine...." ayan nanaman sya oh!

"May tanong ulit ako sayo"

"Ang panget mo!" sigaw ko sa kanya!

"Hindi yun..." nakakatakot yung boses nya, sobrang seryoso tapos ang cold... Nilalamig ako! Kumotttt!!!

"A-no ba y-yun?" ayan! ako na tuloy yung na uutal! Lakas maka hawa neto eh!

"P-pwede b-bang p-pa kiss?" O to the M and to the G! Ano daw? Kiss?! Ano ba isasagot ko dito? Gusto ko pero ayaw ko din! Ang gulo ha!

"Alam mo baby, bata pa kase tayo eh! 3rd year palang tayo o? Tsaka na yan, okay?" tumango tango lang naman sya saken.

"I love you" sasagot palang ako sakanya ng.... 'I love you too' but... He kissed me.

We're kissing passionately, sobrang dama ko yung love. Grabe para kang nasa cloud nine. It's our second time but it feels like it's our first time. Kinikilig ako, sobrang kinakabahan ako.

Bumitaw na kaming dalawa sa halik na 'yon, bigla kaming tumahimik na dalawa. Nakatulala. A W K W A R D? A W K W A R D.

"Ate!" sht si Aya!

"Oh?" sagot ko sakanya. Hindi pa nga pala nila alam yung tungkol samin ni Frixz.

"Hi Frixz!" walang gala 'to sa baby ko ah? litsi!

"Hi!" nag wave sakanya si Frixz, haay nako buti nalang mabait tong boyfriend ko.

"Hoy Aya! Anong Frixz? Kuya Frixz dapat, mas matanda kaya kami sayo! Nekekeleke!"

"Fine, whatever! Kuya Frixz and Ate Elaine, bye!" maldita talaga tong kapatid ko, ewan ko ba kung kanino 'to nag mana eh! umakyat na sya sa at nagpunta sa kwarto nya.

"Ang sungit ng kapatid mo no?"

"Ay nako, sinabi mo pa!"

"Haha okay lang yan! Maganda naman eh" oy ah! baka pati kapatid ko? wag mo kong ipagpalit dyan!!!! maldita yan, mabait ako.

"Haha." yan nalang yung sinagot ko sakanya.

"Ay oo nga pala baby, intrams na naten next week ah? Ano ba sinalihan mong sports?" sports? Eh hindi naman ako mahilig sa sports! Tamad na tamad nga akong kumilos eh! Mas masarap pang kumain kesa dun! Hahaha.

"Ah, wala pa eh, ikaw?" binalik ko nalang sakanya yung tanong, wala pa naman kase talaga akong sinasalihan e.

"Tss, tinatanong pa ba yan? Syempre, basketball! Kaya i chi-cheer mo ko ha? Kailangan nandun ka!" utos nya saken.

"Bakit naman kailangan pati ako nandun?"

"Syempre suportahan mo naman ako, tsaka ikaw lang kasi yung lakas ko eh!" Shuu nang bola pa 'to! Hahaha pero kinilig naman ako dun!

***
Napagpasyahan nalang namin mag mall. Parang date nadin, hehehe.

"So, san tayo ngayon?" tanong ko sakanya habang naglalakad.

"San mo ba gusto?"

"Kain nalang tayo!" gosh! nagugutom na ko! San kaya masarap?

"Kain nanaman? Hehe takaw mo talaga!"

"Hahaha! Sa Max's nalang tayo kumain."

"Sige tara na"

Pumasok na kami sa Max's restaurant, konti lang naman yung tao kaya mabilis lang kami dito, depende din, kung mapapalakas yung kain ko hehe, alam nyo naaa!

Umorder kami ng chicken, kare-kare tsaka mga desserts. Ang sarap!

"Dahan dahan naman baby, takaw talaga hehe" oo na matakaw na ko! masarap kumain!!

"Haha bakit ba? Sarap kaya kumain, wag mo muna ako pansinin, kain ka lang dyan huh?" istorbo to hahaha!

__

Natapos na kaming kumain at lumabas na ng restaurant. Nag punta naman kami sa timezone para maglaro.

Basketball.

Shoot. Shoot. Shoot.

Ang galing ng boyfriend ko, sunod sunod yung shoot, ka inlove lalo eh!

"Baby lika, ikaw naman" wat?! Di ako marunong nyan!

"Huh? Hindi ako marunong nyan!"

"Tuturuan kita" lumapit nalang ako dun sa pwesto nya.

Nasa unahan ako tapos sya, nasa likod ko. Parang nakayakap sya saken mula sa likod, hawak hawak nya yung kamay ko kasama ng bola. I want this moment, promise!

Tinuruan nya lang ako hanggang sa....

Shoot. Shoot. Shoot. Shoot. Shoot.

Whoooaaa! Akalain nyo yun? Naka limang shoot ako? Astig! Ang sarap pala mag basketball, hindi sya literal na basketball pero ang sarap sa feeling pag nakaka shoot ka, hahaha! Ewan ko ba!

Eto nalang kaya salihan ko sa intrams? Pero hindi naman pwede kase mga lalaki lang pwede mag laro ng ganto sa school namin. Although pwede din naman sa babae pero ugh ah ewan!

***
"Babe, ipapakilala kita sa pamilya ko ha?" anoo? Ano sabi mo? No!

"Luh, a-ayoko" nagulat sya sa sinabi ko.

"Huh? Bakit naman?"

"Eh, nahihiya ako" panget 'tong reason ko pero nahihiya talaga ako, pag ayoko, ayoko. Sorry Frixz....

"Please..." hayss, nakaka konsensya yung 'please' nya! Pano ba 'to?

"Sige pero, not now, okay?" sana naman hindi pa ngayon, hindi pa ko ready.

"Oo matagal pa naman yun kase wala pa dito si mama, nasa ibang bansa pa." ay salamat, Praise the Lord!

"Ah, sige." ang cold ko naman ata? Bakit ganun? Pag ayoko, ayoko talaga pero bakit pag si Frixz yung nag-utos or nag sabi saken e pumapayag kagad ako? Ganun ko na ba sya ka gusto?

Mahal ko palang sya, hindi ko pa sya... mahal na mahal....

________________________________________________________________________

SORRY SA UPDATE HAHA! MUNTANGA? MUNTANGA. Hahahaha'

KBhye! Thankyou!

Till I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon