Sa Kwarto Ni Alvin (CHAPTER 2)

9.1K 82 2
                                    

CHAPTER 2


Doon ko agad dinala sina kuya sa target kong boarding house na kung saan din nagboboarding house si Alvin na crush na crush ko.

Maaliwalas, hindi gaanong malaki pero pwede na pagtyagaan.

"Dalawang rooms na lang ang available, yung isa pang dalawahan at yung isa naman ay apat ang kasya" bungad sakin ng kahera habang sina kuya ay nakaupo lamang at naghihintay

"Sino po ang makakasama ko kung sakali sa room na pandalawahan?"

"Si Alvin. Magse-second year college pa lang" sagot niya at binuksan ang kwarto upang ipakita sa amin nina kuya. Mejo makalat at madilim pero maaayos pa naman.

"Alvin San Miguel po?" pero wala sya sa loob ng kwarto pero may mga gamit na doon

"Oo. Ano ba, kukunin mo ba o hindi? Ibibigay ko na lang sa iba?!" medyo nagtataray nyang tono

"Kuya, okay naba sa inyo ito?" pagkonsulta ko sa kanila

"Okay na to Ne, este totoy pala" natatawang sagot ni kuya Benben

"Ate, sige po kunin ko na po yung slot sa pandalawahang kwarto" ako habang masayang masaya dahil hindi na ko mahihirapan na makita sya araw araw kasi makakasama ko sya sa kwarto. :)Parang lulundag ang puso ko sa tuwa pero pinipigilan ko kasi baka magtaka sina kuya.

"Heto na po ang downpayment ale, sa lunes na lamang po kami babalik para magdala ng gamit ng kapatid ko" ani kuya Tony

"Sige, simple lang naman ang rules dito, bawal mag-uwi ng babae, bawal mag-inuman sa salas kung gusto nyo eh sa loob kayo ng kwarto, bawal ang maingay at higit sa lahat, bawal ang LATE magbayad. Nagkakaintindihan ba tayo?" tumango na lamang ako at sabay alis naman ng may-ari ng bahay habang nakita kong sinulat ang pangalan ko sa notebook katabi ng pangalan ni Alvin. Totoo na talaga to! Yahoooooooo!!!!!

Pag-uwi namin sa bahay, ipinagtimpla ko agad sila kuya ng kape at gumawa ako ng sandwich dahil alam kong pagod sila sa byahe.

"Tuloy kana talaga sa pagboboard mo Ne? Baka hindi mo pa kaya ha" si kuya Benben

"Sus, sabihin mo kuya mami-miss mo lang ako.. haha" sabay patong ko ng ulo ko sa balikat nya

"Wag kang magboboyprend doon. Sasapakin kita. Teka, kilala mo na ba yung roommate mo? Mabait ba?"

"Oo nga, baka adik yun kung anong mangyare sayo. Isumbong mo lang samen" pagsingit ni kuya Tony

"Kaya ko sarili ko mga kuya. Wag nga lang sa madilim. Takot ako dun Hahaha"

Kinabukasan, nagsimula na akong mag ayos ng mga gamit ko sa isang malaking bag. Halos lahat yata ng gamit ko sa bahay ay nilagay ko na sa bag ko kahit na medyo maliit lang naman yung kwarto ko sa boarding house. Pero para na din masigurado ko na wala akong makakalimutang dalhin eh nilagay ko na lahat.

Dumating ang araw ng lunes at maaga akong nagising dahil na din siguro sa excitement sa paglipat ko sa boarding house at syempre magsisimula na ang panibagong chapter ng buhay ko kasama si Alvin (Assumera lang! Haha). Hindi ako mapakali sa kung anong pwedeng mangyari sa paglipat ko. Ewan, sobrang excited lang talaga siguro ako...

"Oh ano, handa kana ba? Tara na mukhang excited ka ng iwan 'tong bahay eh" anyaya ni kuya Tony habang nagtatali ng sintas

"Hindi naman kuya. Maaga lang talaga akong nagising parang hindi ka na nasanay saken kuya eh"

"Nasan na ba yung tricycle na kinukuha ni Ben?"

Dahil naiinip na din ako sa kahihintay kay kuya Ben, agad akong lumabas para sundan siya. Habang nilalakad ko ang kalye at palingon-lingon upang hanapin si kuya, nakita ko ang kababata kong si Rex. Natatandaan ko pa nung elementary pa lang kami ay sya na ang lagi lagi kong kasama at kalaro sa tuwing uwian sa hapon. Medyo malambot na ako noon pero hindi yun naging dahilan para layuan nya ako. Madalas nga siya sa bahay namin makinood ng cartoons kaya close na din sila nina kuya. Natauhan na lamang ako ng biglang may tumatawag sa akin.

"Neil! Neil!", si Rex habang papalapit sya sakin, nakasando at short lang sya kaya pansin na pansin ko ang katawan nya. Hindi sya mataba pero hindi din sya payat. Sakto lang kumbaga. Ulam na din kung tutuusin pero hindi pwede dahil bestfriend ko siya at kasakiman naman yata kung gugustuhin ko pang maging boyfriend sya diba? Okay na ako sa pagiging bestfriend niya. Tutal, nakita ko na naman lahat lahat sa kanya. As in lahat. Hahaha

"Mukang may pupuntahan ka ah. Sama naman ako jan" dagdag pa nya

"Kasama ko sina kuya, ihahatid nila ako sa boarding house na tutuluyan ko ngayong college." Sagot ko

"Magboboarding house ka din? Bakit hindi mo sinabi saken eh nakakuha ako ng boarding house madami pang bakante noon, kaso puno na ngayon" banggit niya

"Ayos lang, may nakita naman na kami nina kuya. Heto nga at kasama ko sila ngayon papunta roon" ako habang hinahanap pa din sa paligid si kuya Ben

"Ne! Tara na! Nandito na yung tricycle!" sigaw ni kuya Ben mula sa tapat ng bahay namin. Kaya agad akong nagpaalam kay Rex ngunit pinigil niya ako at hinagis saken yung suot niyang bracelet. Remembrance daw sabay kindat nya sa akin na tinawanan ko na lamang

Sa Kwarto Ni AlvinWhere stories live. Discover now