Chapter 11

110 6 0
                                    

Vice's Pov

"Jakiii! Humanda ka sakin pag nahabol kita" sigaw ko kay jaki habang isinusuot ang short ko

Pag kasuot ko ng short ko ay agad akong lumabas para habulin si Jaki. Bumaba ako sa sala para hanapin sya ngunit wala sya roon kaya naman nagtungo na ako sa kusina para tignan ko kung naroon ba si Jaki pero wala rin sya doon. Tumakbo ako papunta sa hardin para tignan kung naandun si Jaki pero ni anino ay wala akong nakita. Nagsimula na akong kabahan.

"Jakiii! Lumabas ka na hindi na ako natutuwa, magpakita ka na sakin babe" sigaw ko nang makapasok ako sa bahay ngunit walang sumagot o lumitaw na Jaki kahit saan.

Umakyat ulit ako sa ikalawang palapag nang bahay para tingnan kung doon ulit nagtago si Jaki

"Jaki lumabas ka na please magpakita ka na Jaki" sigaw ko pero wala pa ring sumagot 

Pumasok ako sa kwarto upang magbihis ng t-shirt at magpalit ng maayos na short dahil lalabas ako at nagbabakasakaling lumabas lang si Jaki. Pababa na ako ng may kamay na tumaki sa mata ko. Natigil na ako ruon dahil alam ko kung sino yun....yun ay si.....

"Babeee!" tumalikod ako upang harapin ang taong yun at hindi ako nagkamali dahil si Jaki nga iyon

"Oh saan ka pupunta at nagbihis ka?" tanong nya sakin

"Pupunta sana kong presinto at ipapablotter ka" puno ng sarkasmo kong sagot sa kanya

"Weehhh? Kinabahan ba ang baby ko?" panunukso nya sakin

"Tseee! Balakangajan Jaki" may pagtatampo kong sabi sa kanya sabay atras para pumunta sa kwarto

Hinawakan nya ang aking braso "Uyyy! Vice sorry na....Hindi ko na uulitin baby ko. Patawarin mo na ako please" sabi nya sakin na nagpapacute "I love you....pag di mo sinagot ng i love you too break na tayo" may pagbabantang sabi nya

"Oo na sge na....I love you too" 

"Bakit parang napipilitan ka lang?" tanong nya

"Hindi babe joke lang.....I love youuu, wag mo na uulitin yon ah bati na tayo" 

"Opo baby ko, tara na sa kwarto magpapalambing pa ako" sabay hila sakin papunta sa kwarto at wala akong nagawa kundi magpahila na lang

Jaki's Pov

Nakahiga kami dito sa kama at hindi ko makalimutan ang naging reaksiyon kanina ni Vice nung hindi nya ako mahanap.

Ngayon ay nakaunan ako sa kanyang braso at nakayakap ay isang kamay sa kanyang beywang at nakapatong naman ang paa ko sa kanya hita(OG posisyon). Unti-unti kong nararamdaman na bumibigat ang talukip ng aking mata at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw at wala nang Vice sa tabi ko. Bumangon nako at dumiretso sa Cr para mag half-bath.

Pagkatapos kong mag half-bath ay bumaba na ko para hanapin si Vice. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng marinig ko syang may kausap. Kaya naman nagtago ako para marinig ang kanilang usapan.

"Diba sinabi ko naman sayo na tigilan mo na ako kasi hinding hindi ko iiwan si Jaki kais mahal ko siya" sabi ni vice

"Vice alam ko naman na gusto mo pa rin ako eh halika na iwanan mo na yan si Jaki mas kaya kitang paligayahin sa kama" boses ito ng isang lalaki

"Pwede ba!! Hindi lang dahil sa sex kung bakit mahal ko si Jaki! Mahal ko si Jaki kasi napapasaya nya ako at hinihigitan nya ang pagmamahal na binibigay ko! Kaya bago pa ako tumawag ng pulis lumayas ka sa pamamahay ko kundi ako ang kakaladkad sayo palabas." Sigaw ni Vice dito

Kaya naman tumuloy na ako at nakita ko si Vice na madilim ang mukha at galit. Agad ko syang nilapitan at masuyong hinalikan sa labi at niyakap. Binigyan ko ng onting distansya ng mukha namin para titigan ko sya.

"Mahal na mahal kita babe" malambing na sabi ni Jaki

Kaagad naman lumambot ang mukha ni Vice. "Mahal na mahal din kita prinsesa ko" at masuyong hinalikan ni Vice si Jaki

___________________________
Short Ud muna tayo mga chong😂

Stay indoor and stay safe.

Nagmamahal cute niyong otor😇

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

😍Me And You😍 👉(ViceJack FanFic)👈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon