Chapter 1

207 7 0
                                    

Chapter 1

"Macaria, Saan na naman ang punta mong bata ka?!"

Nilingon ni Macaria ang ama at nakita itong nakatayo sa harapan ng kanilang kubo. Tinatanaw siya't nakataas ang isang kamay, winawagay upang bumalik siya.

Subalit imbes na huminto, nagpatuloy sa paghakbang ang dalaga. Palingon-lingon na sumigaw pa pabalik.

"Diyan lang po ako, Ama! Pipitas ng mga bulaklak para sa vivaha mamayang gabi!"

"Hindi!" Matigas na tutol ng amang si Ser-Al. "Bumalik ka ritong bata ka!"

"Babalik rin ako kaagad bago dumilim!"

Naiiling na humilot sa sentido si Ser-Al. Alam nitong hindi mapipigilan ang mapilit na dalaga. "Bumalik ka bago ang vivaha! Mag-iingat ka!"

"Opo, Ama!" Ngumisi si Macaria at binilisan ang mga paghakbang, humihinto sa tuwing may nakasasalubong na ka-tribo upang bumati. Kinawayan niya ang mga kababaihang natanaw na abala sa kanilang mga gawain sa malaking kubo.

"Macaria!" Tawag ni Heron.

Huminto si Macaria at tiningala ang lalaking nasa itaas ng puno nang niyog. Kumukuha ito ng bukong gagamitin mamayang gabi sa pagtitipon.

"Saan ang punta mo?"

"Diyan lang, Heron. Mamimitas ng mga bulaklak na gagamitin mamayang gabi para sa vivaha."

"Sasamahan na kita. Hintayin mo lang ako." Pinutol nito ang tangkay ng isang bungkos na buko gamit ang itak. Nalaglag iyon sa lupa na kaagad pinulot at tinalupan ng mga kalalakihang hubad barong naghihintay sa ibaba ng puno.

Kasama ni Macaria na lumaki si Heron. Apo ito ni Inang Marya na siyang Manto sa kanilang tribo at kapatid ng matalik niyang kaibigan na si Haryeta.

"Hindi na, Heron," umiiling na sagot ni Macaria. "Pagkatapos mo diyan ay pinapapunta ka ni Inang Marya sa malaking kubol. Magkakataw daw ng dalawang baboy at sampung manok." Lumakad na siya muli. "Paano? Ako'y tutulak na."

"Bumalik ka kaagad. Mahirap maabutan ng dilim sa kagubatan," pahabol pa ni Heron.

Itinaas lang ni Macaria ang isang kamay bilang sagot. Nang malapasan ang mga kubol, tinakbo niya ang pababang daan. Humahawak at nangunguyapit sa mga nakalawit na baging habang humahagikhik na dumausdos paibaba.

Sa pusod ng Isla Barbates naninirahan ang mga katutubong Barbatura. Humigit isang siglo na ang nakararaan nang matagpuan ng mga ninuno ni Macaria ang isla.

Orihinal na mandirigma at manlalakbay ang katutubong Barbatura na piniling tahimik na manirahan sa isla at bumuo ng maliit kumunidad.

Makalipas na taong paninirahan nila sa isla,
kahit papaano ay naging sibilisado na ang pamumuhay ng mga ito.

Ang pangunahing pinagkakakitaan nila ay ang pangunguha ng makamandag na dagta mula sa puno ng copal na ibinebenta sa bayan na ginagawa namang resin.

Pangangaso at pag-gawa ng mga sombrero, walis, basket at kung ano-anung kagamitan na yari sa kawayan, dahon ng palmera at niyog ang iba pang pinagkakakitaan ng tribo.

Inaangkat 'yon ng mga tauhan ng mag-asawang Ataska at Fletcher na nakatira sa kalapit na Isla La Fuente. Mabait ang mag-asawa na dumadalaw isang beses isang buwan at nagbibigay ng tulong pinansyal, baro, pagkain, gamot at libreng konsulta kapag kasama ng mga ito ang kaibigang doktor.

Bago dumating ang mag-asawang Wolfhard, naghahatid rin ng tulong ang gobyerno noon. Nahinto lamang 'yon dahil pinaghinalaan silang may kinakanlong na bandito sa Isla na ang totoo ay wala naman.

Seducing The Exotic Island GirlWhere stories live. Discover now