CHAPTER 11 MYSTERIOUS JOURNEY

0 0 0
                                    

“MYSTERIOUS JOURNEY”

Nataranta ang lahat sa pagtunog ng warning alarm sa training ground hudyat sa pagpunta na namin doon. Mabilis kong sinuot ang aking combat shoes at ang aking uniform. Tumakbo narin ako palabas sa barracks para tumungo sa training ground.Nahuli rin ng dating sina Jhonny at Marky na kaagad nakatikim ng paboritong punishment na ibinibigay ng Master Sergeant.

“Drop ang give me 20 push-ups” wala silang nagawa kundi ang gawin ang iniutos. Matching, standing in formation, running, deadlifts,hanging knee ups. Those are the combat readiness test we performed. They also teach us how to hold, point and take apart, clear, and repetitively pit back a rifle. Past 6 am nang matapos kami. Nagulat ako nang lumapit sa akin si master Sergeant habang nagpahangin ako sa labas ng barracks.

“Can I know your full name?” tanong nito sakin.

“Im Karryl Eleona Perez, Master Sergant.” Natigilan ito pero pagkuwa’y naglahad ito ng kamay sa akin.Kapwa kami napalingon sa gawi ng kung sino mang tumikhim. Napaiwas ako ng tingin nang makita kong si Xander iyon.

“Mr. Xander Ace Monteverde,right?”, tanong nito. Tumango lamang at sumaludo si Xander sa kanya.
“Bumalik na kayo sa loob”utos nito at naglakad na paalis. Natigil ako sa paghakbang ng tawagin ako ni Xander.

“Karryl… I’m jealous” parang kinilig ang puso ko sa sinabi nya pero hindi ko yon pinahalata.
“Pumasok kana sa loob Goodnight and Iloveyou.”napangiti ako ng todo. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng hindi man lang sya nilingon. Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi na pinagpapawisan ng todo pero nilalamig naman ako .Nagtatayuan rin ang aking balahibo sa kamay at tila lumalaki ang aking ulo. Napatingin ako sa bintanang gawa ni Jalousie at naaninag ko ang ilaw sa labas. Umusbong ang takot sa aking puso nang makita ko ang anino mismo sa labas ng bintana nan aka patiwari na nagpapalakad lakad.Hindi na ako nakatulog hanggang sa mag-umaga na. Umakto ako ng normal at ayokong sabihin  yung nakita sa kahit na sino ang nakita ko kagabi. Maaga rin kaming pinapunta sa training ground dahil sa final week na para sa Phase three training namin. Hinati hati nila kami sa squad para sa jingle survival training naming. Si Xander, Charles,Lee, Marky,Jhonny at Kate ang aking mga kasamahan at tanging si Kaye lamang ang nahiwalay ng grupo sa amin.

“I wish that all of you can get survive and can get back here after 3 days with the silver rifle.. Goodluck.'’ Tuluyan na nila kaming pinalabas sa boundary ng training camp. Dala naming ang aming rifle,first aid kit at tubig. Kami na ang bahalang humanap n gaming pagkain sa loob ng gubat bilang parte ng training. Unti-unti na kaming naghiwahiwalay para harapin ang sariling kapalarang naghihintay sa amin sa pusod ng gubat.

“Ano man ang mangyari, dapat magtulungan tayo. Walang hihiwalay. Sasama tayong lalaban at lalabas dito ng buhay” wika ni Xander bilang leader sa grupo. Pinagpatong patong naming an gaming mga kamay at sabay sabay sinigaw ang
'FOR THE BLACK WOLF SQUAD, FIGHT AND SURVIVED!!'
Maaga rin naming pinagpatuloy ang paghahanap ng silver rifle bilang mission naming.Napatigil kami ng paglalakad ng makarinig kami ng sigawan mula sa di kalayuan.Mas lalo kaming naging alerto ng sunod sunod na ang pagsigaw.

“Be Alert!” kasabay sa pagsigaw ni Xander ay ang pagpapaputok na rin namin para pigilan ang umaatakeng kulay itim na tila baging na naglilitawan sa mga ugat ng puno. Bawat tamaan ng bala ay kumikislap na para bang pinagkiskis na bakal. Tila mahihila ang mga ito palubog sa pinang galingan tuwing matataman.Muli kaming naalertong ng umihip ang malakas na hangin kasabay sa tila pagkabuhay ng mga sanga ng punong kahoy.Kusa ang mga itong humahaba palapit sa amin. Nagpagulong—gulong kami at pinaulanan ng bala ang bawat umaatake.Kinailangan naming umalis sa parting iyon para matakasan ang panganib na nagbabadyang umatake ano mang oras.

“Kailangan nating mag doble ingat,”paalala ni Xander habang nakapalibot kami sa siga na binuhay namin. Gabi na ng ikalawang araw at huli na naming gabi dito sa mapanganib na gubat tumunog ang radio telephone kasabay sa pagbabago ng payapang paligid. Unti unitng natakluban ng tila lambat ang buong paligid na dahilan ng lalong pagdilim.

“This is Green Viper Squad...Over,” boses ni Kurt sa kabilang linya.

“Black Wolf Squad here…Over,”

“Be alert watchful. Another mystery will attack anytime…Over”

“Copy..over.” kaagad naming isinuot ang aming night vision goggles bilang  paghahanda. Kakaiba talaga ang paligid dahil nagsusumigaw naman ang kapahamakang hatid nito. A fearful haunted spirits starts to appear and float the air. Natatakpan ang kanilang mga mukha ng mahahaba nilang buhok pero kita ang mapupula nilang mga mata. Nakasuot din sila ng hanggang sakong na putting damit.Mula sa aming pwesto, nakikita naming ang mga ibang squad na nagtatakbuhan dahil sa talot pero ang nakakatakot na aking nasaksihan ay ang pagkakataklob ng tila lambat sa iba at nailubog sila ng tuluyan sa lupa. Tuluyan kaming nagpaputok nang bumulusok ang mga nilalang na iyon palubog sa lupa na siyang paglitaw ng mga kalansay na mabilis na gumagapang palapit sa amin. Hindi sila tinatalaban ng bala kaya nagtakbuhan kaming lahat pero marami parin ang nahila at nailubog. Kinabukasan, tuluyan naming nilisan ang gubat dala ang pighati dala ng mga nawala naming mga kasamahan.Sina Kurt naman ang nakakuha sa silver rifle. Ang tanging ipinagpapasalamat ko lang ay ligtas kami ng aking mga kaibigan na nakalabas sa puno ng misteryosong gubat na ito.

JUST A DAREWhere stories live. Discover now