Chapter 1

12 2 3
                                    

[Chapter 1:She's a Liar]

Jennie's Point of View

"Okay class, pass your papers forward." Utos samin ni Sir Henry ng matapos ang itinakdang oras para ipasa namin ang aming mga test paper.

Agad ko itong ipinasa sa kaklase ko na nasa harap ko nakaupo.

"Hoy, ipasa mo nga 'to." Inis na tugon ni Lin na nasa likod ko naman naka-upo. Inis niyang inaabot sa akin ang test paper niya na nagawa niya pang idukduk sa mukha kong 'to.

"Akin na nga. Ang bagal kasi parang pagong." Sa inis ay agad ko itong hinatak. Pasalamat siya hindi napunit yun.

"Anong sabi mo? Ha!? Nalaban ka na?" Inis na tanong niya. Buti na lang at hindi rinig ni Sir Henry dahil na rin sa ingay ng mga kaklase namin na nagpapasa ng kanilang mga papel.

"Paki mo." Agad na akong umayos ng upo at ipinasa ng lukot ang papel niya.

Akala niya siya lang marunong lumaban? No way!

"Humanda ka sa'kin." Dinig kong bulong niya na hindi ko na lamang pinansin.

Haayy! Buhay. Sanay na sanay na ako sa pakulo ng babaeng 'to. Palagi na lang siyang naiinis sakin kahit wala naman akong ginagawang masama.

Para siyang may regla araw-araw. Abnormal na siguro ang lagay niya.

"Okay class. Goodluck na lang sa scores at kalalabasan ng grades niyo. Ito na ang huling pagkakataon para makabawi kayo para sa mga grades niyo din." Sambit ni Sir Henry habang nakangiti.

Fourth Grading na. At syempre, last na periodical test na namin 'to. At sa wakas! Bakasyon na ulit.

Araw-araw, yun lang naman hiling ko. Weekend at bakasyon. Tapos na din ang sampung buwan na paghihirap ko sa section na ito. Alam ko namang babalik pa din ako dito sa next school year.

Kung pwede lang sana magpalipat. Kaso nga lang, gusto ng mga magulang ko dito ako mag-aral. Ayaw ko naman sayangin yung mga pinaghirapan nila at opportunity.

"Okay, class dismiss." Paalam ni sir at agad ng lumabas.

Agad kong isinalpak sa tenga ko ang headset ko at nagpatugtug na lang.

Syempre yun yung palagi kong kinababaliwan.

[Now playing: Go Up by SB19]

Umpisa palang ng kanta ginaganahan na ako. At syempre para ganahan din ako pumasok araw-araw sa paaralan na 'to pinapatugtug ko naman palagi yan.

Haaay! Alam kong makikita ko din ang boys na 'to na maglilibot na sa buong mundo para magperform sa malalaking stage.

I'm so proud na naging part ako ng fandom nila na symepre hindi lang 'fandom' para samin dahil 'famdom' kami dahil kami ay iisa at pamilya.

A'tin! (eighteen/18/ey-tin) Yaah, proud ako na kasama ako diyan. Hindi ko man sila nakilala at nasuportahan sa umpisa pa lang. Andito naman ako ngayon para suportahan at ipagmalaki sila.

Masaya ako dahil nasusubaybayan ko ang pag-angat ng limang lalaking pilipino na 'to! Grabe! Ka-proud.

Yeah! We gonna go up!

Sarap pakinggan sa ears. Sabi ko sa isip.

Nakikinig lang ako sa music at tahimik na nakapikit at sumandal sa upuan ng biglang hatakin ni Lin ang headset ko.

Hindi ko pa lang nakikita ang humatak, alam ko namang siya yun. Pssh!

Iminulat ko ang mga mata ko at marahang lumingon sa bandang gilig ko na nasa kanan. Agad tumambad sakin ang babaeng yun. Edi tiktilaok!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School Life [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon