Hon may dinner kami mamaya nila Seul, mauna ka na kumain. Pagpapaalam ko sa kanya ngunit tinitigan niya lang ako at nagsalita ng tipid.
Mabuti. Saad niya at pumasok na sa kwarto namin.
Akala ko noong una na magiging masaya kaming dalawa kung magiging mag- asawa na kami pero doon ako nagkamali. Maayos naman ang relasyon namin dati. 5 years ko siyang naging girlfriend bago ako nagpropose sa kanya. Magkasosyo ang mga magulang namin sa negosyo kaya ganun nalang kadali yung relationship namin ay dahil boto ang mga parents namin sa amin both sides. Okay naman noong umpisa pero one year after ng marriage namin unti-unting nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Di ko alam kung bakit, kung saan ako nagkulang, wala akong ideya basta ang alam ko lang, mahal ko pa rin siya at mag-asawa pa rin kaming dalawa.