Agatha Cristine ang kanyang pangalan, nabaling ang atensyon ko simula nung lumipat sila rito sa silang cavite, sobrang ganda nya na pati ako na di lumalabas sa bahay ay nakuha nya ang atensyon, ilang araw ang lumipas at tanging sa bintana ko Lang sya nakikita, tinititigan na para bang Isa syang mamahaling bagay, di ako makalapit sa kanya pero lagi akong kinaka-usap ni mama na sumama sa pagdalaw sakanilang bahay.
Ng di talaga ako mapilit ni mama na lumabas ng bahay ay sya na mismo ang gumawa ng paraan para mapalapit kami ni Agatha, Kay mama ko rin nalaman ang pangalan nya dahil sa mag kaibigan pala ang mama nya at mama ko nung high school sila, kung ano ang ugali ni mama ay kasalungat sa ugali ko, masayahin at madaldal si mama samantalang ako ay walang emosyon oh kahit isang letra ng salita ay mailap ako.
Na diagnosed rin ako ng psychiatrist na meron daw akong sakit sa emosyon, pero iwan di ko alam di rin naman ako naniniwala
--
Nagising ako sa ingay sa labas, agad akong napatayo at nagmumug, tyaka lumabas ng kwarto para kumain dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko, Tiningnan ko ang orasan at napagtantong 10:30 napala ng umaga, agad akong bumaba sa hagdan, papunta Na akong kusina ng mahagilap ko ang isang mukhang ilang araw konang tinititigan.
Akoy napatigil sa paghakbang, natulala sa nakangiting mukha ng batang babae na ngayon ay nakatingin sa aking ng may inosenting ngiti, humakbang ako ng mabagal, di parin inaalis ang pag titig ko kay Agatha, hanggang sa maka kuha ako ng Plato at nakasandok ng kanin.
"Hi ako po si Agatha, kuya sabi ni tita ako daw muna ang makakasama mo ngayon." Ani nito habang naka-ngiti parin.
Tinitigan ko Lang sya at binaling nalang ang atensyon sa kanin at ulam na nasa harapan kona, Hindi ko alam pero pag tumitingin ako sakanya ay kumakalabog ang dibdib ko, Ito din ang unang pag kakataon na nakita ko syang naka-ngiti ng malapitan.
"Kuya ganyan kaba talaga? Di nag sasalita? Hala kuya pipe po ba kayo?" Ani nya ng may pag aalala sa tono ng boses.
Akoy napatawa ng malakas, tyaka sya tiningnan ng maiigi, ngayon ko Lang na pansin na medyo kulay green pala ang mga mata nya at medyo kulay kape din ang kanyang buhok na hanggang balikat Lang, tantsa ko ding nasa 5' flat ang kanyang height, nagulat sya sa pagtawa ko bigla, namula at napa-iwas ng tingin.
"Ang cute mo. Ilang taon kana ba Agatha?" Kinakabahan man pero pinag patuloy ko parin ang pag tatanong.
"13 po ako ikaw po kuya?" Nag niningning ang mga mata habang nakatingin sa akin.
"15, wag muna akong tawaging kuya. Ace nalang" Ani ko habang naka-ngiti.
Nabaling naman ang aking atensyon sa pintong naka bukas Na ngayon, doon ko nakita sila mama at ang kaibigan nya. Agad na lumapit sa akin si Mama at yinakap ako ng mahigpit, ang saya-saya nya sing tingnan na para bang nanalo sa luto.
---
Yun ang unang beses na tumawa, ngumiti, at bumilis ang aking pag puso, iwan pero simula ng araw nayun nagkaroon ako ng emosyon.
Lumipas ang panahon at nasa koliheyo na ako nag aaral, mailap na kaming magkita ng aking Agatha, sya Lang ang naging kaibigan at ang babaeng minamahal ko. Sya Lang ang binantayan ko sa buong buhay ko, para na nga akong may sakit na obsession things desire.
Madalang ko na din syang nakakasama dahil sa masyado akong busy sya din, At malapit narin syang mag debut.
Tuwang-tuwa panga si mama dahil daw may emosyon na ako at ano-ano pang sinabi, ang alam ko Lang is my Agatha Cristine is my everything, she complete the missing piece of me.
Papauwi na ako at dala-dala narin ang aking regalo dahil sa makalawa na ang début ni Agatha. Malapit na ako sa bahay namin pero akoy biglang napatigil ng makitang maraming tao ang bahay nila Agatha, bawat hakbang na ginagawa ko papalapit sa bahay nila ay sobrang bigat, kinakapos narin ako ng hininga, ilang lunok ang aking ginawa.
"A-a-nak" umiiyak na Ani ng aking Ina agad ko naman syang yinakap at pinatahan sa aking balikat.
"W-wala n-na s-sya" humihikbing ani ng aking Ina.
Duon napatigil ako sa pag hinga, unti- unting na poproseso sa aking utak ang sinabi ni Mama, bigla akong napasingahap, napatingin sa unahan, doon ko nakita ang puting kabaong, akoy biglang napatulala, nanlumo aking tuhod, nanginginig ang aking labi at sobrang natatakot kong ano ang aking makita sa loob, ilang pag lunok rin ang aking ginawa, pinipigilan ko din ang mga luhang nagbabadya saking mata, alam kong nakakabakla man tingnan pero, unti-unti akong humakbang papalapit sa kabaong, akoy nahihirapan narin akong huminga at parang ilang karayom din ang tumitusok saking puso.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig, napagtantong sya nga talaga ang nasa loob, ang pinakamamahal kong babae ay wala na, di kona makapiling pa kahit kailan, ako'y napaiyak na talaga, di na napigilan ng aking mata ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
Unti-unti akong napaluhod, saksi ang buwan at bituin sa aking pag po-protekta sakanya pero sa isang iglap ay nawala nalamang sya. Kinaka-usap rin ako ng mama nya at may Ibinigay na sulat,
Nang buklatin ko ay pabango nya na kaagad ang bumungad sa akin at ang sulat kamay nyang pinakamaganda para saking mata.
~~~~
Heloo ace, pst alam mong kyut ako alam kona Yun pero di na ako bata, ace ayaw rin kitang tawaging kuya, alam mo bang matagal na Kitang gusto, nung tinitingnan mo palang ako sa bintana ng kwarto mo, alam kong ako ang tinitingnan mo, Kaya aamin na ako sa début ko, mahal na Mahal Kita simula noon hanggang ngayon, your my sun and I'm your moon and let eternity guide our love story-'~~
Di natapos ang sulat may mga dugo ding nag kalat, di ko alam pero sa ikalawang pag kakataon, akoy nawalan nanaman ng emosyon.
YOU ARE READING
Blaxzing ONE SHOT's
Short StoryYou're the one among his perfect creation, the beauty of your light, the crescent shape even the whole part of yours that's why I always turn my head up to see you, that's the only way of seeing you at night. I will love you as long as I can--- VIL