Taong Isang libo siyam naraan walong putatlo (1983) ko nakilala si madelina, ang magandang dilag na nakapag pabihag sa akin. Naging mag kaibigan kaming dalawa dahil sa kaibigan ko ang pinsan nya.
Akala ko Isa syang maria clara na lagi kung nakikita sa hacienda namin, pero iba pala, ng isang beses pumunta kaming diskohan dahil sa kaawaran ng Isa sa mga kaibigan ko sa trabaho, isa-isa silang kumuha ng babae, pero ako'y napa tulala sa babaeng maikli ang suot na damit at parang labas narin ang kaluluwa, agad akong tumayo nagpipigil ng galit sa mga lalaking tumitingin sakanya ng malagkit, tinangal ko ang aking amerikano na aking suot-suot tyaka ko Ito ipinatong sa balikat nya, gulat at pangamba ang bumalot sa ekspresyon na aking nakikita kay madelina.
Agad ko syang hinigit palabas ng lugar na Yun, tumigil kami sa harap ng aking sasakyan, ngayon alam kona ang dahilan bakit ganun kailap sa akin si madelina, iba sya sa lahat ng aking nakilala, mabait sya at mala Maria Clara pero bakit sya andito sa lugar ng mga magdelina, sya palang ang unang babaeng nakabihag sa akin Kaya sa aking makakaya ay inalis ko sya sa madilim na lugar na iyon, hindi kami ganun kayaman pero may ikabubuhay din naman, sinama ko sa aking bahay sa manila si madelina, tinanong kung bakit andun sya, ako'y tama sa aking hinala, bagong salta rin sya dun sa bahay aliwan.
"Labag man sa aking loob, ngunit kailangan kung gawin upang pamilya ko'y may makain." Siya ay umiiyak.
Ako'y mas lalong nahulog sa kanya, kahit Ano paman sya ay minahal ko sya ng lubusan, siya ay aking niligawan, hiningi ko rin ang pahintulot na sya ay aking ligawan sa harap ng kanyang mga magulang, para akong nanalo sa isang malaking patimpalak ng ako ay payagan, ilang buwan at taon ang lumipas, meron na kaming sariling bahay at lupa, umunlad rin ang kompanyang aking pinapalago ng ilang taon, apat na taon Narin kaming mag ka sintahan at kulang nalang ay akin syang pakasalan.
Pinapadalhan din namin ang mga magulang ni madelina ngunit ako'y nangangamba sa aking Ina, baka di nya magustohan si madelina, Isang libo Siyam na raan walong po't walo (1988) araw ng agusto ng niyaya ko na syang pakasalan, isang maliit lamang nasalo-salo ang kanyang gusto, pupuntahan narin namin ang aking magulang para sya ay aking pakasalan.
Nagustuhan ni papa ang kanyang ugali at responsabling kasintahan naman daw sya, ngunit si mama ay di gusto si madelina dahil di daw Ito mayaman, pinagtaluhan panamin Ito dahil sa ayaw ko sa ibang babae tanging si madelina lang, ngunit napatunayan naman ni madelina na sya ay karapat dapat.
Hindi nag tagal at kami ay kinasal, lumipas ang dalawang taon bago kami nagka anak ng kamabal sobrang sya ko ng araw nayun, ngunit pangamba din ng malamang mahina ang kapit ng dalawa kong anak, ngunit may awa ang Diyos at natulongan nya kaming lagpasan ang lahat ng mga pagsubok.
Lumaki na ang mga anak ko at napalaki namin Ito ng may respito at pagmamahal, apat ang aming anak dalawang lalaki at dalawang babae, may kanya-kanya nadin silang pamilya ngunit ang panganay ay sa bahay parin namin nakatira dahil sa sya ang nag aalaga samin, lahat ng pinundar ko ay napunta sakanila, hinati nila Ito ng patas at walang alitan..
Taong 2020 matanda nakaming dalawa no madelina, parehas nadin nanlalabo ang aming mata at nanghihina ang aming tuhod ngunit pag mamahalan namin ay gayun parin, di kumukupas di katulad ng isang larawan na sa pág tagal ng panahon ang larawan ay kumukupas, maraming nangyare samin dalawa, away bati pero kami ay naging matatag, lahat ng pagsubok kinaya namin ng mag kasama at hawak kamay, lahat ng iyon ay kinaya namin, lagi rin kaming binibisita ng aming mga anak, pati mga apo namin ay kweni-kwentuhan ko ng aming pagmamahalan ni madelina na kahit anong mangyare sya lang ang aking minahal.
"Mahal kung Federico, akoy mamahinga na, sabay narin tayong matulog ng mahimbing at magkita sa paraiso, mahal na mahal Kita kahit ang ating balat ay kulubot na kahit ang ating buhok ay puti na ikaw parin ang lalaking tumangap ng buo sakin Kaya Mahal, akoy matutulog na" ako'y napangiti at hinagkan siya, yinakap ng mahigpit at hinalikan ang nuo nya, naka tapat din ang aking dibdib sa kanyang tenga Kaya dinig nya bawat pag pintig ng aking puso.
"Mahal na mahal din Kita madelina kahit saan patayo mapunta, kahit anong katangian kapa, ikaw si madelina ang babaeng minahal ko sa aking buhay, Sana sa ikalawang buhay natin ay ikaw parin, hahanapin kita, pangako yan mahal ko, Tayo ay matulog na hahanapin pa Kita sa ilawang buhay. Mahal na mahal Kita madelina" isang butil ng luha ang tumakas sa aking pisnge.
"Mahal din Kita Federico"......
Time death 11:11 February 25 2020
🖤
YOU ARE READING
Blaxzing ONE SHOT's
Короткий рассказYou're the one among his perfect creation, the beauty of your light, the crescent shape even the whole part of yours that's why I always turn my head up to see you, that's the only way of seeing you at night. I will love you as long as I can--- VIL