Chapter 17

105 9 0
                                    


"Humble yourselves in the sight of the Lord, and He will lift you up.
Do not speak evil of one another, brethren. He who speaks evil of a brother and judges his brother, speaks evil of the law and judges the law. But if you judge the law, you are not a doer of the law but a judge.
There is one Lawgiver, who is able to save and to destroy. Who are you to judge another?"

James 4:10-12

~

Wala akong ginawa sa loob ng tent ni Sean kung hindi manood ng balita buong maghapon. Kaya nang marinig ko ang boses niya sa labas, at pinagbuksan ko siya ng pinto, gano'n na lang ang pagkunot ng noo niya. Pumasok siya sa loob at sinara ang tent.

"Pinutol ba 'yong signal transmission sa Mantalongon kaya walang pumapasok na chanel sa tv?" agaran kong tanong sa kaniya. "Wala ring pahayagan na pumapasok at takot ang mga taong bumaba dahil sa virus. Ano bang meron sa Mantalongon at bakit pinaliligiran ng mga militar?"

"Ba't hindi ka naligo?"

Binaba niya ang baril sa mesa at hinarap ako. Humugot ako ng malalim na hininga. "Wala ako sa mood."

Tumaas ang kaliwang kilay niya. "Maligo ka muna. Ako na maghahanda ng hapunan. Mukhang hindi ka pa kumakain." Tapos tumalikod siya para humarap sa refrigerator sa sulok ng tent.

Naningkit ang mga mata ko. Naalala ko nang hinalungkay ko ang backpack ay wala akong nakitang mga damit. "Wala na akong pampalit. Naiwan ko ang extra ko sa outpost," mahina kong sambit.

"Nagpunta ka sa outpost?" Kunot-noo siyang humarap ulit sa akin.

"Unang napuntahan ko nang tumakas ako sa itaas ng bundok."

Ilang segundo siyang tumitig sa akin bumuntong-hinga. Lumapit siya sa kama at lumuhod. Kinuha niya mula sa ilalim ang isang maleta at binuksan. Nakita ko ang ilang damit panlalaki.

"Kumuha ka ng damit na komportable sa 'yo at maligo ka na," sabi niya at bumalik sa ginagawa niyang pangunguha ng sangkap sa loob ng ref.

Lumuhod ako sa maleta at tiningnan isa-isa ang mga damit. Halos lahat t-shirt. May ilang pantalon at long sleeve na sa tingin ko ay aabot sa gitna ng hita ko. Kinuha ko ang long sleeve at backpack bago pumasok sa munting banyo.

May gripo at balde doon. Hindi siya 'yong banyo na makikita sa bahay pero para lang may magamit na tubig sa loob kaya nilagyan ng faucet. May ilang sabon at shampoo rin pero walang palikuran.

Mabilis akong naligo at sinuot ang long sleeve niya. Hindi ko na rin binasa ang undies para magamit. Saka, magpapalipas ako ng iaang gabi rito. Kung bibigyan ako ng impormasyon ni Sean, mabuti. Hindi na muna ako lalabas, pero kung ayaw niyang sabihin sa akin kung anong meron sa Mantalongon, bukas na bukas ay aalis ako.

Natigilan ako nang pagbukas ko sa telang humaharang sa banyo ay nakita ko siyang nakahalukipkip sa labas.

"Bakit?" tanong ko.

"Handa nang hapunan." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Mukhang tapos ka nang maligo," sabi niya at humakbang papalayo. Nagkibit-balikat ako at tumapak sa labas ng banyo.

Nakahain na sa munting mesa ang mga pagkain na inihanda niya. Kunot ang noo niya habang pinagmamasdan akong maglakad papalapit sa mesa. Nakaupo siya sa kabilang bahagi ng mesa at ako itong paulit-ulit na hinihila pababa ang tela ng long sleeve.

"May pantalon ako riyan sa maleta. May sinturon sa ilalim. Gamitin mo," aniya at nag-iwas ng tingin. "Masyadong maikli ang laylayan para takpan ang katawan mo. Maghihintay ako rito."

Don't Fret (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon