Nang dumating sa Buhay ni Quinn si Andrew, nagkaroon nga ng kasiyahan ang kanyang puso, Kaya naman minahal niya ito ng sobra-sobra sapagkat ang Binata ang kanyang First Love.Pero sa pag-ibig pala, Hindi lahat ay puro saya katulad ng mga nababasa natin sa fairytale.
Dahil in real life mararanasan mo rin kung paano ang masaktan at mabigo sanhi ng Pag-ibig.Dumating sa punto na ang relasyon nila ay nagkaroon na nang pagbabago, nawala na yung sweet moment at pagmamahal kaya naman naging in-denial na lang siya at umaasa na magiging maayos rin ang lahat, inisip na lang niya na part yun ng relationship nila.
Hanggat isang araw nabigla na lang siya sa mga nangyari "Hi Babe salamat at dumating kana kanina pa ako naghihintay sayo" Sabik at masaya niyang sinalubong ang Binata na kanyang minamahal."Sorry traffic kasi kaya medyo late akong nakarating" He said at tila wala ito sa kanyang sarili hindi man lang niya ipinakita sa dalaga ang kanyang Pananabik para dito."Have a seat""Thank you"
Umupo ang Dalaga sa tabi nang Binata at malambing niya itong tinanong"Kumain kana ba ipinagluto kita ng paborito mo, kasi ang sabi mo pupunta ka dito"
"Hindi na di naman ako nagugutom" Walang ka amor-amor niyang pagkakasabi.
"Ganun ba Drinks gusto mo"
"Hindi na, di naman ako nauuhaw"
"Teka lang are you okey? bakit parang may problema ka"
"May dapat tayong pag-usapan" Buntong hininga ng Binata.
"Anong pag-uusapan natin"
"Tungkol sa ating relasyon"
"Relasyon natin ,bakit anong meron, maayos naman tayo diba"
"Pwede ba Quinn stop pretend na okey pa tayo, Alam mo naman diba na may problema na kaya kung ako sayo huwag kanang magbubulag-bulagan. Dahil ako napapagod na rin kase dahil alam kung wala na itong patutunguhan "
"Pwede ba sabihin mo na lang sa akin kung ano ba ang problema para naman maka-isip tayo ng solusyon"
"Gusto ko nang makipaghiwalay sayo"
"What? nagbibiro ka lang diba"
"Please Quinn, ayoko na kaya nga ako narito para makipaghiwalay sayo ng maayos"
"Pero nagbibiro ka lang diba"
"Seryoso ako kaya nga sinasabi ko ang lahat ng ito sayo, alam mo matagal ko na gustong gawin ito kasi sa totoo lang wala na akong nararamdaman para sayo kaya please tama na tigilan na natin I'm sorry pero hindi na talaga kita mahal"
"please naman huwag mo naman gawin sa akin ito" Kaya naman pumatak na ang luha sa kanyang mata na kanina pa niya pilit na pinipigilan.
"Trip mo lang diba na paiyakin ako kaya please tama na nakita mo na diba umiiyak na ako"
"Sorry pero di ito trip ayaw na kitang saktan at paasahin na mahalin mo ako dahil wala na akong pagmamahal para sayo"
"Ayaw mo akong masaktan, pero sinasaktan mo na ako, pumunta ka dito tapos magugulat na lang ako na makikipaghiwalay kana sa akin. Alam mo ramdam ko naman na nagbabago kana , pero alam ko na normal lang yun dahil lahat naman ng nagmamahalan dumadaan sa ganito na minsan nawawala na yung sweet at pagmamahal pero alam ko malalampasan din natin ang lahat"
"Pero hindi na kita mahal" Nagpupumiglas siya habang nakayakap sa kanya ang Dalaga.
"Ganun na lang ba yun na magigising ka na lang bigla na di mo na ako mahal"
"Pwede ba tama na tanggapin mo na lang na di na kita mahal"
"Hindi ako naniniwala sayo, alam kung may nagpabago dyan sa nararamdaman mo hindi ako tanga para di maramdaman yun kaya sabihin muna ang totoo"
"wala akong iba, kong di mo matanggap na wala na tayo problema mo na yun aalis na ako"
"Please huwag mo naman akong iiwan, kahit anong gusto mo gagawin ko please huwag ka lang lalayo sa akin"
"Pwede ba tama na hindi na magtatagal ang ating relasyon kung ikaw na lang ang nagmamahal" Tinanggal niya ang kamay ng Dalaga na nakapulupot sa kanyang bewang at itinulak ito palayo sa kanya.
Kahit pala anong gawin mong pagmamakaawa kung hindi kana mahal ng isang tao wala ka nang magagawa, kaya ng araw na yun wala na siyang ibang choice kundi tanggapin ang pakikipaghiwalay ng Binata.
Dinamdam niya ng sobra ang pangyayari, kaya naman nagsimula siyang mapoot at magalit sa Binata, dahil ganun pala ang pakiramdam nang basta na lang iiwan ng walang sapat na dahilan.
Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang iniwan, kung kanyang iisipan lahat naman ginawa niya at kahit kailan hindi siya nagkulang.
![](https://img.wattpad.com/cover/215233674-288-k431777.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana'y ikaw na Nga
RomanceSabi nila kapag iniwan ka ng taong minahal mo, Maaring hindi siya ang Destiny mo, kaya naman para kay Quinn kahit nasaktan man siya. Naniniwala parin siya na may isang taong darating na magbibigay ng pagmamahal na mas higit pa sa naramdaman niya n...