"My Second Family"

18 3 1
                                    

High School Life
“ My Second Family”
Mini-series 1

Masyado akong proud sa pamilya ko sa eskwelahan kaya ginawan ko ang section namin ng isang maikling kuwento. Hope na sana ay maka-sunggab o kaya ay makapulot kayo ng inspiration sa mini-series na ito.

96% ng scenes/lines sa kuwentong ito ay hango sa totoong pangyayari sa aming classroom/our second home na hinaluan ko ng ilang walang basehang linya.. Lahat ng characters/names ay totoo at hindi gawa-gawa lamang. Kung may mapuna man po kayong hindi kanais-nais at mga pagkakamali (grammatical errors, spellings, dating sa inyo ng kalokohang mga linya o gawain namin sa room) SORRY in advance dahil lahat naman tayo ay hindi perpekto at ang tangi ko lang hangad ay ang magbigay insipirasyon at maipagmalaki ang section na kinabibilangan [edited:(11-21-21) KINABILANGAN*] ko sa pamamagitan ng pagsusulat ng kuwento.

‘Time check..11:58 am’

Kailangan ko ng umalis, baka ma-late na ako. Never pa namang na-late si binibini sa klase na unluckily ay first subject namin. Lalo pa’t hindi dapat sinasayang ang bawat minuto dahil 50 minutes lang ang oras na nakalaan sa bawat asignatura.

Bago lumabas sa bahay ay humarap akong muli sa salamin.

I.D? Check!

Walang bahid ng gusot ang blouse? Check!

Malinis at maputing medyas? Check!

Makintab na sapatos? Hindi naman gaanong kakintab pero pwede na.

Wait. Baka tabingi ang pagkakaayos ng palda ko. Okay..Chill. Maayos pa naman. Palda? Check!

Hayy.. Ang hirap talagang maging isang modelong estudyante. Dapat palaging presentable, maayos at may desiplina sa pananamit, malinis, sumusunod sa school rules and instructions, etsetera etsetera. Nakaka-stress din minsan maging parte ng isang Star Section.

Marami na akong narinig kesyo mayayabang, palaban, walang-hiya, at kung ano-ano pang negative sa pandinig ang sinabi nila sa section namin.

Ang section ng ibon na mataas at malayo ang lipad.

Ang EAGLE SECTION.

Ang pinaka-ayaw ko lang sa lahat ng narinig ko tungkol sa section namin ay ang sabihin na sipsip daw kami sa mga subject teachers namin kaya halos lahat kami ay nakakasama sa honors every grading period sa buong campus.

Hindi kami binibigyan ng special treatment ng mga guro ng so-what-you-called-it ‘FAVOURITISM’. Sa totoo nga niyan ay mainit ang mga mata sa amin ng mga subject teachers namin. 'Yun bang magku-quiz na nga lang kami mas mahirap pa compare sa ibang sections, magre-recitation na nga lang kami bawal pang sumilip sa libro, magsu-surprise quiz na nga si Ma’am kahit five minutes review bawal pa, yung kailangan ng representative ang bawat year level ay obligadong sa section pa namin manggagaling. Tipong pinapahirapan kami at tsina-challenge ng mga subject teachers upang mapanindigan namin ang pagiging isang modelong mga estudyante leaving us no choice but to do our best of the bests. Dahil hindi nila alam ang hirap na kinakaharap namin  maging perpekto lang sa mga mata ng principal, mga guro, kamag-aral, pamilya, at mga magulang namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIGH SCHOOL LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon