(chapter 4)

6 0 0
                                    

(Miko's point of view)

Napabalikwas ako ng bangon ng may tumalon sa kama ko.

"Kuya wake up na!"-ang bunso kong kapatid na si clint,6 years old palang si clint.

Kala ko pa naman si max...

Lagi kasi tong ginagawa ni max noon nung mga bata palang kami pag wala kaming pasok sa school. Sya lagi yung gumigising sakin nun. Kung ano ano yung ginagawa ni max para lang magising at mapabangon ako, minsan na nga akong nabuhusan ng tubig ng max na yun para magising kaya ayun basang basa yung higaan ko,isinumbong ko sya kay mama nun pero ang sabi lang ni mama okay lang daw tsaka ang tagal ko daw talagang gumising tsaka si mama daw talaga ang may utos nun. Minsan nga'y tumatalon talon si max sa higaan ko, minsan nga kinuha pa ni max yung kumot ko para mapabangon ako,minsan dinadala nya yung alagang aso na si snake=_= yes snake po ang pangalan ng aso nya.Pagkatapos nun pinapatabi nya ang aso nya sakin habang natutulog ako nun, kala ko talaga nun nanaginip lang ako pero ng magising ako nun, napagtanto kong nasa harap ko na yung aso ni max na ginagalaw galaw pa yung mga buntot yung akala ko na panaginip hindi pala, totoo pala na dinidilaan yung mukha ko ng aso nyang si snake, napabalikwas ako nun ng bangon sa kama dahil diring diri ako sa ginawa ng aso nya sakin.

Flashback...

"Ugh! Max ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Kukunin ko sana yung aso nyang si snake kuno pero iniwas sakin ni max yung aso.

"Pwede ba miko, wag mo nga pagbuntungan ng galit si snake"

Ugh..

"Max panong hindi ko mapapagbuntungan yang alaga mo eh dinilaan nya yung mukha ko! Tsaka nakakadiri! Tsaka baka hindi ko alam kung saan saan  na pala pumupunta yang aso mo tsaka dumila pa sa mukha ko?!?"

"Nakakadiri ka dyan=_=eh mas malinis pa nga tong si snake kesa sayo. Palagi kaya tong naliligo at pinapalinisan ng yaya ko. Kesa naman sayo no? Na kapag walang pasok hindi naliligo! Kadiri ka dyan"

"Pwede ba ilayo mo sakin yang aso mo? Tsaka pwede mo naman akong gisingin ng hindi pinapadilaan yung mukha ko!"

"Ewan ko sayo miko! Eh ginawa ko lang naman yun para magising ka ng tuluyan tsaka inip na inip nako sa bahay ehh. Gustong gusto ko nang makalaro eh. Bakit ba? Ha?"-depensa ni max

"Ewan ko sayo"

Tinalikuran ko sya at pumasok nako sa loob ng banyo. Naghilamos ako ng mga sampung bese para siguradong matatanggal yung mga laway ng aso ni max na nakadikit sa mukha ko tapos nagsipilyo pako ng limang beses para sigurado.

End of flashback...

Pero ngayon...hindi na ginagawa yun ni max dahil ang sabi nya matanda na raw kami para gawin yung mga nakagawian namin nung mga bata pa kami. Kahit na hindi na ginagawa yun ni max sakin pumalit naman ang bunsong kapatid ko na mas malala pa ta kaysa kay max.

Bakit?

Dahil nung minsan na ako naginising ni clint,ang ginawa nya nagpatugtog sya nun tapos nilakasan pa nya ng sobra kaya nagising talaga ako nun, nung makita ng kapatid kong nagising nya ako lumapit pa sya sakin na tuwang tuwa sa kanyang ginawang kalokohan=_=nabingi talaga ako nun ng konti at sumakit pa ang tenga ko dahil sa lakas ng tugtog=_= gustong gusto kong batukan ang kapatid ko pero hindi ko ginawa dahil alam kong magsusumbong yun kay mama at mapapagalitan na naman ako.

Nabalik lang ako sa realidad ng umangkas sa likod ko yung kapatid ko.

"Kuya let's play!"-ani ni clint na excited na excited

Just BE with YOU (On-Going)Where stories live. Discover now