ONE

125 5 2
                                    




^^ONE^^





"Akala ko talaga sa XAVIER U ka mag-eenroll dahil kay Jacob." sabi ni Nikki kaya napabusangot tuloy ako.



Ipinaalala pa kasi ng bruha kong kaibigan ang tungkol doon pero nandito na ako, eh, enrolled na at wala nang urungan.



"What changed your mind, Wyn?" tanong naman ni Chelsea.



"Did Jacob transfer here?" sabi ni Trixie.



"Or maybe, hindi na siya ang crush mo." dagdag pa ni Nikki.



Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin sila na crush ko ang mayabang na Jacob na iyon at hindi ko na itinama. Gawa-gawa ko lang naman iyon noong first year highschool kami para tigilan na nila ang pang-aasar sa akin na tomboy dahil kahit anong guwapo ng isang lalaki ay wala akong pakialam.



"Ayaw yata ninyo na nandito ako, eh. I-re-refund ko na lang ine-enroll ko at sa Xavier U ako mag-e-enroll." pananakot ko sa kanila.



Hindi ko naman magagawa iyon dahil may sikreto pa akong misyon dito sa Lanzelle University at nakasalalay dito ang pang-habang buhay kong kapalaran.



Bluff lang iyon para hindi na sila tanong nang tanong kung bakit dito ako nag-enroll, hindi pa kasi ako handang sabihin sa kanila, eh.



"Eto naman para nagtatanong lang naman." Wika ni Trixie at yumakap pa talaga ang bruha sa kanang braso ko na parang tatakasan ko siya.



"Napakapikunin mo talaga, Wyn." sabi ni Nikki.



"Kaya hanggang ngayon ay NBSB ka pa rin." Sabi ni Chelsea.



NBSB nga may FIANCE naman, carry ninyo iyon? Lupit ng tadhana no? That's my mission.



My GANGSTER for a FIANCE.



Pero hindi ko naman alam kung ano exactly ang mission ko, basta ang tanging alam ko kailangan kong makita siya.



"I have a very important reason kung bakit dito ako nag-enroll at hindi sa Xavier U." sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangster's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon