Begin
As soon as I opened my eyes, a dark hallway with all its closed doors came to my vision. Each and every door has its own energy it emits; as if it's a portal to another world's existence.
Hindi siya madilim, hindi rin siya maliwanag. Iba't iba ang kulay ng pinto at iba-iba rin ang mararamdaman mo sa tuwing hahawakan mo ang busol. May nakakapanindig balahibo, mayroon ding hahawakan mo palang ay mararamdaman mo nang delikado ito. Instincts baga.
Ang sabi sa akin ng taong nagbabantay sa akin ngayon na may karanasan na sa ganitong bagay, ay sa pinaka-huling pintuan ng pasilyong ito, sa loob ng pintuang iyon ay naiiba sa lahat ng pintuan. Wala pang nakakapagpatunay nito. Kahit sa internet, walang nababanggit na hangganan ng pinto. Nakasaad lamang, "You are at one end of a very long corridor. There are numerous doors on both sides of this corridor. " There was no information about the very end of the corridor.
Bago ako humakbang, malalim akong huminga upang kumuha ng lakas at tapang. I want to reach the end of this place, but I just can't seem to verge upon it.
I took a few steps forward. Kahit gaano kalapit sa akin ang pintuan na nasa pinaka-dulo ay papalayo ito ng papalayo mula sa akin. Mararating ko ba ang hangganan nito?
Huminto ako sa isang malalim na pulang bilog na pintuan. I twisted the doorknob but momentarily stopped. I crouched to take a look kung ano ang naramdaman ko sa paa. It looks sticky. Fuck. Is it blood? I couldn't stand the heat, and the foul smell it was giving off kaya pabalibag kong binuksan ang pintuan.
Bumulaga sa akin ang isang kahila-hilakbot na halimaw. Nagtama ang aming paningin. Nagtaasan ang aking mga balahibo. Mabibigat ang mga hakbang na kaniyang tinatahak, halos sumabay na ang kalampag ng aking puso sa bawat pagtapak niya. Taas-baba ang dibdib ko dulot ng mabilis kong paghinga. Malakas din ang kabog ng puso ko. Tila ba tatalon na papalabas sa lakas ng tibok.
Na-estatwa ako sa kinatatayuan. Hindi ako makapikit. Hindi ako makahinga. Hindi ko manlang maikurap ang aking mga mata. Ngunit sa huling kurap ay puting kisame na ang bumungad sa akin. Nakita ko ang mukha ng kasama ko at ang asul nitong mata na puno ng pag-aalala.
Sinubukan kong kumurap at matagumpay ko naman itong naisagawa. Pagmulat ko ay mukha ng isang estranghero ang bumungad sa akin. Ang kaakit-akit nitong mga mata ay nakatitig sa akin, may bakas ng pag-aalala.
"What happened?"
***
Disclaimer.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and indicent are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any forms or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written notice from the author.
Plagiarism is a crime.
This story is unedited, so expect typographical errors, wrong spellings, and whatever errors. If you're looking for a perfect story, feel free to tsupi.
© Jelly_Jellano
BINABASA MO ANG
𝘿𝙊𝙊𝙍𝙎 𝙏𝙊 𝙏𝙃𝙀 𝙈𝙄𝙉𝘿
ParanormalA game that leads you to the doors of your subconcious mind. Do you want to play it, too? --- I stopped writing ฅ/ᐠ。ꞈ。ᐟ\ฅ Maybe I'll continue in 5 years 😅