Part 1/1

2.8K 99 6
                                    

Closure 


"'Pag yumaman ako, bibili ako ng sandamakmak na closure 'tapos isasampal ko sa mukha ng ex ko," seryoso at may gigil na sagot ni Joshue sa nabuksang tanong habang nasa gitna kami ng inuman.

"Ako, 'tol, bibilhin ko lahat ng ampalaya 'tapos ireregalo ko sa 'yo. Puta ang bitter mo, eh!" si Jasmon naman—isa sa mga tropang masaya na sa buhay may-asawa at wala na sa bokabularyo ang salitang "bitterness."

"Ako, alak na lang para palagi tayong masaya!" hiyaw ni Bryan, sabay taas ng bote ng beer.

"Sana all masaya!" singit naman ni Keneth, sabay taas din ng sa kanya.

Tamad kong kinuha ang alak ko at napapailing na lang na nakipag-cheers sa kanila. Nang maibaba 'yon ay walang pag-aatubili ko 'yong tinungga. Halos hinabol ko ang aking hininga maubos ko lang 'yon. Hindi ko ininda ang pait ng alak dahil mas mapait pa sa ampalaya ni Jasmon ang lahat ng nararamdaman ko ngayon.

"O, Jus? Ikaw kapag yumaman ka, ano'ng bibilhin mo?" Si Kuya Guiller.

Pinigilan kong matawa sa tanong na 'yon. Kumuha muna ako ng panibagong alak at muling uminom.

Kung mayaman ako, bibilhin ko ang lahat ng bagay na alam kong makapagpapasaya sa kanya. Bibilhin ko ang oras para lang ibalik ang tatlong taong wala siya sa tabi ko. Bibilhin ko lahat ng panahon makasama lang siya hanggang sa dulo...

'Tang-ina, bibilhin ko pati ang mga pagkukulang ko.

"Ano ba 'to?! Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin nakaka-move on sa ex mo? Eh, ganyang-ganyan ka kapag naaalala 'yon, eh! Bigla na lang tatahimik 'tapos matutula!" pang-aalaska ni Richard sa akin.

"Sira-ulo. Ex agad? Hindi ba puwedeng nag-iisip lang?"

"Aw, sana all may isip," singit uli ni Keneth.

Nag-ilingan sila. Mukhang alam na nila ang nasa isip ko. Dahil hanggang ngayon naman, siya at siya pa rin ang dahilan kung bakit ako ganito.

It's been three years yet my heart was still stuck on every moment that we've shared. My favorite heart-shaped face, almond doll eyes and her thin pink lips were still painted on my memory like it was the best art my mind created.

Paano nga ba maka-move-on sa taong ayaw mong kalimutan? Na it pains you just by thinking about her?

"Pre, hayaan n'yong mag-isip. Hindi nga ba bukas na sila mag-uusap ni Jana? Tatlong taon din niyang hinintay 'tong closure na 'to."

Napangiti ako nang mapait sa sinabi ni Kuya Paolo. It's true. Bukas, sa tagal nang panahong hinintay ko ay muli kong makikita si Jana. Hindi para balikan ang kung ano ang natapos sa amin kundi para tuluyang putulin ang lahat.

Kevin made another toast kaya nawala ang atensiyon nila sa akin. Nagpatuloy ako sa pag-inom at pag-iisip dahil bukod sa masaya ako sa mangyayaring pagkikita namin bukas ay umuusbong din ang lungkot at kaba sa puso ko.

---

Hanggang sa matapos kami kagabi ay wala nang ibang pumasok sa utak ko. At habang nakaupo ako ngayon sa tapat ng pabilog na mesa dito sa loob ng paborito naming kainan ni Jana noon ay tila nabablangko pa rin ako.

I couldn't stop my feet from swinging one of my legs in the air while seated and waiting patiently for her. She's on her way. Wala pa man siya sa paligid ay nakailang tubig at balik na ako sa banyo. I'm just so nervous!

Inasahan ko na ang pagbuhos ng kaba pero walang-wala iyon nang pagkalipas lang ng ilan pang sandali ay tumigil ang mga mata ko sa isang bultong pumasok sa loob ng restaurant.

ClosureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon