Chapter 2

315 24 25
                                    

Chapter 2:Crush

Pagkatapos ng hindi pagkakaintindihan namin ni Grant kagabi ay ini-uwi niya na ako sa condo ko. He never said sorry for everything. Pakiramdam niya kasi ay wala siyang mali at palagi siyang tama sa lahat nang pagkakataon. Ini-uwi niya ako sa condo at umalis na parang wala lang. He didn't even kiss me on my forehead, just like what he always do before.

That's when I realized that many things really changed.

Nagbago ang lahat nang ginagawa niya para sa akin. Iyong mga dating palagi niyang ginagawa, naglaho na. Nagbago ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Iyong mga matatamis niyang salita, naging mapait na. Nagbago ang pakikitungo niya. Naging malabo na. Nagbago na siya.

The Grant that I loved is now gone. Hindi lang ang dating Grant, kung 'di ang pagmamahal niya sa akin. Hindi ko na kailangang itanong o komprontahin pa siya tungkol doon dahil pilit iyong isinisigaw ng katauhan niya sa tuwing magkasama kaming dalawa.

Kahit na ganoon, pilit ko siyang iniintindi kahit pa pilit sinasabi sa akin ng isip ko na huwag na. Pilit ko siyang iniintindi dahil baka naguguluhan lang siya o may dinadalang problema. Unti-unti nang dumudulas sa palad ko ang pagkakahawak ko sa relasyon namin, ngunit nariyan ang puso kong pilit itong hinihila para mahawakan ko kahit gusto nang bumitaw.

Malinaw sa akin na mahal ko pa rin si Grant, mahal na mahal, kahit pa ganito ang mga nararamdaman ko. Hindi ako susuko, hindi ako bibitaw. Pero, hanggang kailan? Hanggang kailan ko siya kailangang intindihin? Hanggang kailan ko titiisin 'yong sakit? Hanggang kailan ako hahawak kahit gusto ko nang bumitaw?

I was in the middle of my thoughts when I heard a know from our office's door. Napatingin ako roon nang iluwa n'on si Psychie.

"Thea? Hindi ka pa ba magl-lunch? Do you want me to buy something for you?" she asked as she headed her way towards me.

Sumulyap ako sa wristwatch at nakitang magt-twelve na nang tanghali. Bumuntong hininga ako at tinignan siya.

"Mamaya na ako kakain. May scheduled operation pa ako mamayang 12:30," sagot ko. "Huwag mo na akong hintayin. Baka sabayan ko na lang din si Aia mamaya."

Tumango siya. "Sige. Bibili lang naman ako ng food sa labas. If you want something, just tell me."

"Sige." I nodded, too. "Kain ka na."

She smiled. "Before that... kumusta ka na?"

Kumusta na ako. Kumusta na nga ba ako?

Hindi ko alam. Masakit pa rin, mabigat. I think I'm sick, not physically but mentally. I can't tell Grant that I'm getting sick because of what's happening between us. I can't tell him that I need him, too. I can't ask him to understand me, too.

"I don't know?" Alanganin akong napatawa sabay kibit ng balikat. "Mabigat pa rin. Hindi pa rin nawala kahit ilang punong shot pa rin ang inumin ko. Not recommended, Psy, nakakabaliw lang."

Natawa siya sa sinabi ko, tinutukoy iyong sinasabi niyang effective na ginagawa niyang pag-inom ng isang buong basong alak nang walang hintuan. Hindi ko mair-reccomend dahil nahilo lang ako at nakagawa ng katangahan sa isang taong pilit kong iniiwasan.

"For you, it's not. Ibig sabihin, ganiyan na ka-sakit at ka-lala ang sakit na nararamdaman niyan." Tinuro niya ang dibdib ko, sa may bandang puso. "Hindi na alak ang katapat niyan. Alam mo kung ano ang sagot dyan?"

Umiling ako, hindi naman talaga alam.

"Sabihin mo na sa kaniya. Baka doon, sakaling mawala ang bigat ng nararamdaman mo. Let it go, Thea. Let him know that you're being affected, let him know that you're sick. Let him know that it hurts."

After The Pain [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon