Chapter 3

281 24 40
                                    

Chapter 3:Falling Apart

Hindi ko alam kung pagiging tanga na ba talaga ang purpose ko sa mundo—bukod sa subukang sumalba ng buhay ng tao. O baka, sa pag-salba nga lang din talaga ako magaling dahil simula pa lang nang maramdaman kong may mali na sa relasyon naming dalawa ay iyon na ang tanging ginawa ko—sumalba ng relasyong parang kakalas na.

Katulad na lang ng nakasanayan, hindi niya ako kauusapin nang mga ilang araw, pwede ring linggo o buwan kung gusto niya, tapos bigla na lang siyang babalik na parang walang nangyari at magiging okay na kami. One of the most stupid thing that I did for love, I guess? Pero, ano bang magagawa ko? I just want to fix us. I want us to go back to what we used to be.

Sa paglipas ng panahon, nakasanayan na lang talaga. Away, bati. Hindi magpapansinan, babalik na lang ulit na parang walang nangyari. Isang yakap, isang halik, ayos na ulit. Kahit walang sorry o salitang natanggap, okay lang.

That's how desperate I am to stay in this relationship. Others may call me 'stupid', pero wala akong magawa. I still love him, after all. Kahit pa nararamdaman ko ang mga ito, alam ko naman sa sarili ko na mahal ko pa rin si Grant. Even though many things change, I know that I still love him. He still has a place in my heart where no one can replace.

"Ano 'yan? Ang bango."

It's my day-off. I spent it with Grant. Kababati lang namin kahapon, he also insisted na sa kaniya ako mag-stay kahit isang gabi lang. Just like the good old days, I will cook something for him. I will take care of him. Kahit pa marami nang nagbago, alam ko namang gustong-gusto pa rin ni Grant ang nagpapa-alaga sa akin.

Nanatili siyang nakatayo sa harap ng counter while I was in front of the stove, cooking.

"Your favorite, tapa." I smiled, alam kong hindi niya kita 'yon.

"That's why it smells so good," he replied.

Humarap ako sa kaniya at binigyan siya ng isang ngiti. Hinayaan ko muna ang niluluto ko at lumapit sa kaniya sa counter. I stood there, in front of him, while staring intensely at him.

"I missed you, Grant," mahinang wika ko.

I'm not going to lie, I really missed him. Well, I missed him, physically, but there's something I'm still missing—it's the old him, the old us. Everything about us that already vanished.

Ginagawa ko naman ang lahat-lahat para maibalik kami sa kung ano kami noon. Binabalik ko rin ang sarili ko sa "pakiramdam" sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya noon. It's so damn hard to do that, lalo na kapag nakikita kong wala siyang ginagawa para gawin 'yon. Ako lang ang kumikilos. It's simply because he can't see what's happening. Hindi siya aware na may ibang nangyayari, na may nagbago, na nawala na 'yong dating kami just because he's busy with something else.

Hindi sumagot si Grant, nanatili lang siyang nakatitig sa akin. I don't know if he's scanning my whole face dahil grabe siya kung makatitig sa akin. Hindi ko rin naman makita sa kaniya kung may gusto ba siyang sabihin. He's just staring at me, so plain and boring.

I was about to say something again when a phone rang. It wasn't mine. Kinuha niya agad ang phone niya at tumalikod sa akin. Doon na bumagsak ang balikat ko nang lumayo siya habang sinasagot ang tawag ng kung sino mang kausap niya.

Bumuntong hininga ako at bumalik na lamang sa pagluluto. Pinalalambot ko pa kasi iyon kaya matagal-tagal pa nang kaunti ang aabutin. Malamang, gutom na si Grant n'on, lalo at paborito niya pa ang tapa.

Nakakatawa man isipin pero sana, kayang idaan na lang sa tapa ang lahat. Kung gusto niya, bilhan ko pa siya ng ilang baka para makagawa siya ng napakaraming tapa, bumalik lang kami sa dati. I swear, I'do do anything and I will risk everything just to fix us and bring back the old us.

After The Pain [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon