Chapter 2 - First Day of School
———-
Third Person's POV
Umaga na at ngayon ang unang araw ng klase ng tatlo sa Royalties Academy. Pinakaunang nagising si Danzelle tapos si Maisy habang si Nixie ay mahimbing na natutulog.
"Gisingin mo nga si Nixie. Ako magluluto eh." Sabi ni Danzelle
"Okay!" Sagot ni Maisy.
Agad na tumungo si Maisy sa kwarto ni Nixie at pumasok ng walang paalam o pagkatok. Napabusangot siya noong nakita niya si Nixie na mahimbing ang tulog.
'Tulog mantika pa naman to. Tsk' sa isip ni Maisy.
Lumapit siya kay Nixie. Tinapik tapik niya ito sa pisngi, sa paa at sa balikat pero hindi ito nagigising.
'Ayaw mong magising ha!' sa isip ni Maisy
Agad niyang nahagip ang isang bottled water. Kinuha niya ito at binuksan tiyaka ibinuhos kay Nixie
"Kyaaaaaaaaaaah" tili ng Dalaga at mabilis na napatayo.
"What the heck? Why did you do that? Di mo ba alam na maganda ang panaginip ng Dyosang nasa harapan mo? *rolls eyes*" sabi ni Nixie noong natauhan siya
"Kasi ma lelate na tayo tapos di ka pa nag aayos. Hurry up. Tingnan mo may muta ka pa at panis na laway." Sabi ni Maisy
"What?" Sabi ni Nixie at agad tumakbo papunta sa banyo
"Tss. Uto-uto." Sabi ni Maisy bago umalis sa kwarto ni Nixie tiyaka tumungo sa kusina kung nasaan nagluluto si Danzelle.
"Oh nagising mo na?" Tanong ni Danzelle na nag aayos ng pagkain nila.
"Yup." Sagot ni Maisy
"What did you do?" Tanong ni Danzelle
"Binuhusan ko ng tubig." Sabi ni Maisy
Napangiti naman si Danzelle, hindi pala. Napangisi pala ito. Sabay ng pag ngisi nito ay ang pag sigaw ni Nixie.
"MAISY BAKIT MO AKO BINUHUSAN NG TUBIG? NABASA TULOY YUNG HIGAAN KO!" reklamong sigaw nito habang papalapit sakanila
"Ayaw mong magising eh." Sabi ni Maisy
"Tama na nga yan. Kumain na tayo tiyaka pumunta sa school." Sabi ni Danzelle
Tumango ang dalawa at umupo na. Pagkatapos ay nag ayos na silang tatlo tiyaka tinungo ang daan papuntang paaralan.
"I hope nothing wrong happens." Sambit ni Maisy
Pagkatapos ng 15 minutes ay nakadating na sila sa Royalties Academy.
"Saan ang I.D. niyo?" Tanong ng guard bago pa sila makapasok
"Transferees kami kaya wala pa kaming I.D." sagot ni Maisy
"Huh. You cant fool me. Siguro mga fan girls kayo ng The Emperors noh? Nako! Umalis na nga kayo." Sabi ng guard
"We're too fabulous to be fan girls and do you want to be fired?" Nixie said
"Umalis na kasi kayo." Sabi ng guard
"Manong guard, saan ka ba nakakita ng transferee na may I.D. at uniform agad?" Sabi ni Maisy
"Anong Manong?! Bata pa ako!" Sabi ng guard
"Ah sorry ho. Akala ko kasi matanda ka na. Di halata na bata ka pa po eh." Sabi ni Maisy
Sa sobrang inis ng guard ay kinaladkad niya si Nixie at Maisy ngunit bago niya pa makaladkad si Danzelle ay nagsalita na ito.
BINABASA MO ANG
Royalties Academy [ on-hold ]
Teen FictionInspired by other stories. Pure Fiction. Names are taken from my friends~