Dedicated to: thelostnotebook2
"Class, you will have a new professor." anunsiyo ng owner ng School na ito.
"Kindly introduce yourself to them, Ms." utos ni Mrs. Gutierrez sa babaeng nasa harapan.
"Good day everyone. My name is Rain Almizo, I'm a psychologist and I will be your professor in psychology." pagpapakilala ng babae. She's just small woman but I can't deny the fact that she's beautiful. First time lang ata akong nagandahan sa isang babae. Nagsasabi lang naman kasi ako ng totoo.
"Ilang taon ka na po, Ms. Almizo?" tanong ng kaklase kong si Alcheska, ang pinaka approachable sa aming magkakaklase.
Kung kanina seryoso lang ang aura ni Ms. Almizo, ngayon naman ay napangiti siya.
"25 years old na ako." she answered, still smiling.
"Talaga po? Bakit parang kaedaran ka lang po namin." Hershey commented, kaibigan ni Alcheska.
"I'm telling the truth. 25 na talaga ako. 4 years na akong psychologist." biglang napalitan ng lungkot ang ngiti niya. Ano kayang nakakalungkot sa 4 years niyang pagiging psychologist? Baka naman ayaw niya ang propesyon na iyon.
"You are their first period Ms. Almizo, iiwan na kita dito. Good luck for your first day." nakangiting turan ni Mrs. Gutierrez. Tumango lang si Ms. Almizo kaya umalis na si Ms. Gutierrez.
"Good day everyone. Today, I will discuss about the introduction to psychology." sanay ako na hindi pinapansin ang mga guro sa harapan pero bakit ngayon titig na titig ako sa kaniya? Ang aliwalas ng mukha niya. She looks so nice. Natapos ang buong klase ni Ms. Almizo na wala manlang akong naintindihan.
Pumunta ako sa cafeteria at nandoon na ang mga barkada ko sa tambayan namin dito.
"Wazzup Bro!" bati ni Emmanuel.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah. Babae ba yan?" natatawang sabi ni AJ.
"Aba! Kung babae nga yan, good news yan!" hirit naman ni Dan.
"Tigilan ninyo ako. Masakit ang ulo ko." saad ko saka umupo sa tabi ni Emmanuel.
"Bakit? Wala ka pa ba talagang nagugustuhan?" nagtatakang tanong ni AJ. Umiling lang ako. Napabuntong hininga naman sila. Si Dan ang umorder ng pagkain naming apat.
Habang kumakain kami, nakita ko si Ms. Almizo na mag-isang kumakain sa may right side namin. Napansin ko naman na napatingin din sa kaniya ang mga kaibigan ko.
"Shet! Ang ganda talaga niya!" pabulong na sabi ni Emmanuel.
"Bago lang siya 'no?" tanong ni AJ.
"Usap usapan nga siya dito eh. Ang dami kasing nagkakagusto sa kaniya kahit na limang taon ang tanda niya sa atin." komento naman ni Dan.
"JC, anong masasabi mo sa kaniya?" bigla nilang naitanong kaya nataranta naman ako. Hindi ko pa kasi naaalis ang tingin ko kay Ms. Almizo. Tinawanan naman nila ako.
"Confirmed! May crush na ang manhid nating kaibigan." natatawang sabi ni Emmanuel.
"Type mo si Ms. Almizo 'no?" nakangising saad ni AJ. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero pakiramdam ko bigla akong pinagpawisan dahil sa mga tanong nila.
Naguguluhan ako. Nakauwi na ako dito sa bahay pero naiisip ko pa rin yung sinabi ng mga kaibigan ko kanina. Hindi ako pwedeng magka-crush kay Ms. Almizo. Ako kaya ang hater sa mga jowa ng kaibigan ko, tapos tutulad din pala ako sa kanila. Si Emmanuel, may girlfriend na businesswoman na nasa 28 na ang edad. Bale 8 years ang tanda ng jowa niya sa kaniya. Si AJ naman ay may jowang nurse na 24 years old. 4 years naman ang tanda nito sa kaniya. At si Dan, 26 na yung jowa niyang choreographer. Anim na taon ang tanda nun sa kaniya. Yung girlfriend nalang ni Aj ang hindi ko pa nakikilala. Medyo hectic daw kasi ang schedule.
YOU ARE READING
I Fell Inlove with the Rain
RomanceJosh Chan fell inlove with the word he hated the most. He fell inlove with the Rain.