CHAPTER FIFTEEN: Chasing The Past

8 3 3
                                    

Rain Almizo

Simula ng araw na nalaman ko ang totoo, hindi na ako mapakali. Gusto ko mang takasan nalang ang lahat ngunit kailangan ko itong harapin ng buong tapang. Sa panahong ito, hindi na uso ang pagiging duwag.

Alam ko na maaari na naman akong masaktan at madurog once na malaman ko ang mga nangyari sa nakaraan. Ngunit ito din yung tanging paraan para para makapag move-forward na ako.

Nakatitig lang ako sa gate nila Tita Mary. Siya ang bestfriend ni Mama simula highschool kaya alam kong may alam siya tungkol sa nakaraan ni Mama Sora. Nagdesisyon akong pindutin yung doorbell. Sabado ngayon kaya alam kong narito si Tita dahil wala namang pasok. Si Carla yung nagbukas ng gate. Siya yung kaisa-isang anak ni Tita Mary at Graduating Student na sa kolehiyo.

"Nandiyan ba si Tita Mary?" Tumango naman siya. "Tara sa loob, Ate. Pasok ka."

Pinaupo ako ni Carla sa may couch tapos tinawag niya si Tita Mary sa kwarto nila kasi mayroon daw siyang tinatapos na reports. Siyempre owner ng School si Tita kaya kahit nasa bahay ay busy pa rin.

"Napabisita ka. Anong meron?" pambungad na tanong ni Tita. Umupo siya sa couch na nasa tapat ko.

"Alam ko pong saksi kayo sa lahat ng pinagdaanan ko dahil kayo ang nasa piling ni Mama Sora noong mga panahong kailangan ako ni Franklin. Sobrang thankful ko po dahil hindi mo iniwan si Mama..." napahinga ako ng malalim, "Alam ko pong may alam kayo sa mga ginawa ni Mama Sora noon. Kasi, matagal na kayong magkaibigan eh. Kaya Tita, kailangan ko yung malaman. Karapatan ko din naman po kasing malaman yung totoo, diba?"

"A-anong t-totoo?" nauutal niyang tanong. I did my best para pigilang umiyak. Hindi ako pwedeng maging iyakin ngayon.

"Na hindi ako totoong anak ni Mama at itinakas lang niya ako sa tunay kong pamilya noong 5 years palang ako." napanganga naman si Tita. Marahil, dala na rin ng gulat.

"Kanino mo nalaman?" tanong niya.

"Bago siya namatay, sinabi niya sa akin yung totoo. And then these past few days, nalaman ko kung sino yung tunay kong magulang." Napaiyak naman si Tita Mary. It was the first time na nakita ko siyang umiyak. Magaling kasi siyang magtago ng emosyon.

"I think it's the right time to tell the truth." she sighed, "Tatlo kaming magkakaibigan noong highschool. Ako, si Sora, at si Marc. Kaso nagkahiwa-hiwalay na kami noong kolehiyo. Same School pa rin si Sora at Marc. Sinigurado namin ni Sora na lagi pa rin kaming magkikita kaya kapag nagkikita kami, lagi niyang kinukwento na may bago siyang kaibigan at yun ay si Angelica. Hanggang sa naging magkakaibigan silang Tatlo. Simula nung highschool palang kami, inlove na si Sora kay Marc kaya labis siyang nainggit nang malaman niyang nanliligaw si Marc kay Angelica. Hindi naman kasi alam ni Angelica na gusto ni Sora si Marc kaya sa huli ay sinagot niya ito at naging sila. Naging magkakaibigan silang tatlo at hindi na mapaghiwalay. Kapatid na ang turing ni Angelica kay Sora kaya kahit na noong mag-asawa na si Anglieca at Marc ay pinilit niya si Sora na doon na sa kanila tumira dahil wala na rin naman itong pamilya. Kaya lang, tumindi ang pagkainggit ni Sora sa kanila kasi nagkaroon na sila ng masayang pamilya kaya nagplano siya na kunin ka baka sakaling maging miserable ang buhay nila. Nung hinatid kayo ng driver sa park noon, bago kayo bumaba sa sasakyan ay nilagyan niya ng bomba yung kotse kaya maging yung driver ay namatay. Para akalain ng pamilya mo na patay na kayo. Ngunit kahit galit siya sa pamilya mo ay totoo ang pagmamahal na ipinaramdam niya sa iyo. Akala ni Sora magiging miserable na yung buhay nila, pero nagkamali siya dahil naging masaya pa rin sila kahit wala ka na." Kahit papaano, nakaramdam ako ng saya kasi hindi naging katulad ko si Tita Angelica. Na kahit sobrang lungkot na niya noong inakala niyang wala na ako ay nagawa pa rin niyang maging positibo at matatag para sa kanila Angelo at Lyca. She's so brave.

I Fell Inlove with the RainWhere stories live. Discover now