CHAPTER 2

7 0 0
                                    

"Nadiaaaaaaaaaaa!!!! Is it true??" Humahangos na sabay-sabay sila Shakira, Aira at Natasha na pumasok sa pinto ng kwarto ko. Ano na naman kaya ang chismis na dala ng mga ito?

"What?" tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay. Madramang nagsiupo ang tatlo sa kama ko at kunwaring nagpupunas ng luha.

What's with them?

"Alexander and Shandria are officially dating?" Sandali akong nagulat at pilit na ngumisi.

"Really? Saan nyo naman narinig yan?"

"Shandria's alalay! Duh!!" ikinumpas pa ni Aira ang kamay niya sa hangin.

"May mga copies din na nagkalat sa campus and it says "The famous Alex and the Campus Sweetheart is now dating". Tamad na sabi ni Natasha habang nakahiga.

"And you know what's the worse? Someone saw them together. They say that it's their date". tinarayan pa ni Shakira ang sarili nya sa maliit na salamin.  The hell I care!! They're dating pa lang, maaagaw pa yan.

"Matatakot na ba ko nyan girls?" sarkastikong tanong ko sa tatlo.

"Don't tell me you'll still push your feelings sa kanya?" parang tangang tanong ni Natasha sa harap namin.

"Kasal nga naaagaw, nagdidate palang kaya?" sabay-sabay natahimik ang tatlo.

"I have a plan" ngising demonyo ang makikita sa mukha ni Shakira.

"Siguraduhin mong gagana yan Shakira kasi pag umiyak tong si Nadia magwawal si baby Anton ko!" malanding pahayag ni Aira habang pabebeng nag-aayos ng buhok. Parang tanga.

"Wag kang malandi Aira, ayaw sayo ni Anton. Tumahimik ka nalang!" naiinis na pahayag ni Natasha. May love triangle pa ata sila kay kuya. Ewwwww!!

"Shattap girls! This one will work" ngumiti pa sya na parang anghel

"What if........." pambitin niya. Sabay siyang sinapok ni Aira at Natasha.

"Ouch! The hell?" "Pabitin ka pa eh! Ano ba kasi?"

"Heto na nga dba?? What if you seduce the famous Alexander Sanmiego?"

"That's crazy Shakira! But think about it Nadia, I think it'll work"

"Mga baliw! Akala ko susuwayin mo Aira! Pero kung ako sayo Nadia? I'll seduce Alexander." sabay hinampas ng unan sila Shakira at Natasha si Aira na pilit sinasalag ang mga unan. God! Do I know them?

"Tumigil nga kayo! I'm thinking! Mga istorbo kayo eh! I've decided na, I'll seduce Alexander Reign "Ulan" Sanmiego!"

"Kita nyo na? Naniwala si Nadia sa walang kwentang plano nitong si Shakira! Naku! Lagot tlaga ko kay baby Anton!"

"Pwede ba? Wala nang sisihan 'to! Suportahan nalang natin tong baliw na to. Sigurado naman ako na gagana tong plano ko noh!" pagmamayabang ni Shakira sa dalawa. Mga kaibigan ko ba tlaga tong mga to?

Sabay-sabay kaming bumaba ng hagdan nang makasulubong namin si kuya. Agad umasim ang pangit nyang mukha pagkakita sa tatlo.

" Hoy!! Ano na namang masamang hangin ang nagdala dito sainyo? Bad influence kayo sa baby ko!" kunot noong pinagmasdan sya ng tatlo habang hinihila ako para yakapin.

"Sana all yinayakap" bulong ni Aira. Kawawang Aira. Hays!

"May sinasabi ka brat?" tanong ni kuya na diretsong nakatingin kay Aira. Magsisimula na naman silang dalawa.

"Wala akong sinasabi baklang monggoloid!" inis akong hinila ni Aira kay kuya at padabog na naglakad pababa.

"Sinong bakla ha? Brat? Gusto mo halikan kita?" pikon na ring sagot ni kuya habang tamad na nakatayo

"Halikan mo yung pangit mong girlfriend! Langya ka! At wag mo sabi akong tinatawag na brat!"

"Ouch! bigla na lang syang binato ng sapatos ni Aira at paika-ikang naglakad palabas.

"Princess Aira hindi ka si Cinderella!" tatawa-tawang sumunod si kuya kay Aira. Hays!

"Pupusta ko kay Anton, mapapalambot nya si brat" humagalpak nalang bigla si Natasha

"Kay Aira din ako pusta, ,ay tiwala ako sa kambal ni baklang monggoloid" natatawang pumasok na rin si Kira

"Ba't ba sakin kayo sumabay?  Asan mga driver nyo?"

"Tinopak si dad, pinapalakad ba naman ako papuntang school? Ang tanga lang! Hindi ko naman kaya yun noh!" nagdadramang mukha ni Kira ang lumingon sa direksyon ko.

"Tsk! Pangit mo Kira! Ikaw Tasha? Ano namang drama mo?

"Nahuling nambababae ni dad si kuya, ayon, damay na naman ako!"

"Bakit sobrang babaero ng mga kuya natin noh?" natatanong pa tong si Kira, natural nga gwapo daw sila eh!

"Ba't hindi nyo tanungin mga kuya natin? Parang monggoloid eh! Yayabang mga pangit naman" litanya ko na sinangayunan ng dalawa

Sabay-sabay silang nagsiurungan ang mga estudyante pagkapasok ko plang ng kotse ko sa gate. Mabilis kong kinabig ang manobela nang biglang may sasakyan na sumulpot para banggain ang brand new car ko. Mabilis kong inapakan ang break at inikot para makapag park.

"What the hell Nadia? Are you planning to kill us?" ekstraheradang sigaw ni Kira habang nakapikit.

"Wag tanga Kira! Kung hindi naiiwas ni Nadia tong kotse nya tiyak sa ospital bagsak mo ngayon!" pikon na lumabas si Natasha

"Putangnang babaeng yan! Gusto ata ng gulo!" pikon na rin akong lumabas at binagsak ang pinto ng Lamborghini Menero na regalo ni Daddy.

"Bumaba ka dyan! Putangna mo! Kung magpapakamatay ka wag mo kaming isama!" galit na galit na sabi ni Nat habang kinakatok ang bintana ng kotse.

"Nadia please help Nat. Baka mabasag nya yung bintana!" natatarantang mukha ni Kira ang humarang sakin.

Saglit kaming natigilan ng biglang tumili si Nat. Mabilis na nag U turn yung kotse at nagtangkang umalis. Dali dali akong bumalik sa kotse ko at kinuha yung regalo ni Gab at dahan - dahang naglakad papunta sa kotse ng demonyitang babangga sa amin.

"Nadia don't do it! Your dad wil ------- " Hindi na natapos ang sinasabi ni Kira dahil malakas kong pinalo ng baseball bat ang hood ng kotse. Hindi pa ko nakuntento at dinamay ko pa pati yung bumper. Sabay-sabay na nagtitili ang mga demonyita sa kotse habang nag-uunahang makalabas.

"I don't wanna die!" Umiiyak na yung tatlong alipores ni Shandria habang nagmamatapang syang tumayo sa harap ko.

"Ano bang problema mo?" isang malakas na sampal ang binungad na sakin habang si Nat ay nanggigigil na sinasabunutan yung dalawa.

"Nadia please stop it, malalagot tayo kay Daddy neto" litanya ni Kira habang sinasabunutan yung isa.

Nabaling sa kanan ang mukha ko dahil sa sampal pero tinawanan ko lang.

"Sino sa tingin mo ang may problema dito?" tanong ko at sinampal sya ng mag-asawang sampal na may kabit! Bigla na lang syang umiyak sa harap ko na parang inapi.

"What the hell did you do?" malamig na tono ng boses nya ang narinig ko sa likod ko. Dahan-dahan akong humarap at nakita ko syang malamig na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko nung makita syang naglakad papunta sa babaeng nasa likod ko. Sinundan ko lang sya ng tingin habang marahan nyang pinupunasan ang luha ni Shandria. Kaya naman pala. Dumating na ang "Superhero" kamo niya.

"Nat, Kira? Uwian na. May nanalo na" malamig na sabi ko at naglakad palayo.



His RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon