PAGPILI

25 3 0
                                    


Girl: Sino sa 'ming dalawa ang mahal mo?
Boy: Parehas ko kayong mahal.
Girl: Sino sa 'ming dalawa ang pipiliin mo?
Boy: Ayokong mamili.
Girl: Kailangan mong mamili.
Boy: Bhabe, ayokong isa sa inyo ang mawala.
Girl: Gano'n talaga ang buhay.
Boy: Bhabe, naman.
Girl: S'ya na lang ang piliin mo.
Boy: Bhabe, ayaw kong mawala ka.
Girl: Ako nalang ang magsasakripisyo. Ayaw ko din s'yang mawala. Kaya s'ya nalang ang piliin mo.
Boy: Bhabe, naman. Pwedi na-
Girl: Hindi nga pwedi kaming dalawa. Kaya s'ya na lang ang piliin mong mabuhay.
Boy: Hindi ko kayang mawala ka.
Girl: Makakalimutan mo din ako .
Boy: Bhabe, ayaw ko. Ayaw kong mawala ka.
Girl: Bhabe, pakiusap. Kahit anong mangyare s'ya ang piliin mo. Nabuhay na ako dito sa mundo. Iparanas naman natin sa kanya ang mabuhay dito sa mundong kinalakihan natin. Ahhhhhh...
Boy: Bhabe, anong nangyare sa 'yo. Okay ka lang ba?
Girl: Manganganak na yata ako. Ahhhhh...

Dalidaling binuhat ni Boy si Girl pasakay ng kotse n'ya at pinaupo ito sa passenger seat. Habang sa kalagitnaan ng pagbabyahe ay napapaungol si Girl dahil sa sakit na naramdaman n'ya sa kanyang tiyan.

Boy: Malapit na tayo bhabe, 'wag kang mag-alala.
Girl: Bhabe, kahit anong mangyare piliin mo ang anak natin. Gusto kong mabuhay s'ya. A-alagaan mo s'ya ng mabuti. Mahalin mo s'ya. H'wag mo s'yang pabayaan. Ahh. Mahal na mahal ko kayo. Ahhh.
Boy: Bhabe, maliligtas kayong dalawa. Lumaban ka lang.

Ang mga luha ni Boy ay patuloy na bumabagsak at gano'n din si Girl.

Girl: Ayoko ng umasa pa. Wala ng paraan para kaming dalawa ay parehas mabuhay. Ahhh.
Boy: Bhabe, nandito na tayo.

Binuhat na ni Boy si Girl at pumasok sa Hospital kung saan siya manganganak.

Girl: Mahal ko kayo.

Nakangiting saad ni Girl bago siya pinasok sa Room.
Habang si Boy naman ay naiwan sa labas ng kwarto. Umiiyak at hindi alam ang gagawin.
Ilang minuto ang lumipas ay may lumabas na doctor.

Doctor: Masyadong Critical po ang kalagayan ng pasyente. Isa po sa kanila ay mamatay, kaya iho mamili ka kung sino sa kanila ang nais mong iligtas.

Si Boy naman ay di kaagad na kasagot. Dahil sa sitwasyon n'ya ngayon 'di n'ya alam kong sino ang kanyang pipiliin sa dalawang mahal n'ya sa buhay.

Doctor: Iho kailangan na namin ang inyong desisyon.

Sinabi na ni Boy kung sino ang nais n'yang mabuhay. Labag man sa kanyang loob ngunit kailangan n'yang mamili. Umiiyak ito habang naghihintay ng resulta. Hindi si Boy mapakali sa kakahintay kaya paikot-ikot sa labas ng kwarto.

An hours past by.
Ang operasyon ay naging successful.
Lumabas ulit ang Doctor at pinuntahan si Boy.

Doctor: Iho, congrats and also condolence.

Hindi alam ni Boy kung ano ang mararamdaman n'ya. Magiging masaya ba s'ya dahil buhay ang kanyang anak o malulungkot dahil namatay naman ang kanyang asawa.

The Baby is alive but the Mother's died.

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now