Chapter 12

2 2 0
                                    


Presentation

Sammy's POV

Ngmakalabas na ko sa pintuan, agad naman akong naglakad papunta sa kwarto ni ate para doon matulog.

Gusto ko rin syang kamustahin sa lahat, hindi kasi sya sumabay sa dinner kanina at late na rin sya nakakauwi

Kumatok na muna ako pero ilang saglit pa ay walang sumasagot.. Ipinihit ko yung doorknob at dun ko nalaman na bukas pala, hahaha

Nakita ko si ate na nakatalukbong, dumeretso ako saka tumalon pahiga sa tabi nya at niyakap sya

"Ate ko" sabi ko pero hindi sya sumagot
"Okay ka lang po ba?" Tanong ko
Hindi parin sya sumagot pero naririnig kong humihikbi sya
"Ate bata man ako sa paningin mo, andito parin ako para sayo, kahit anong problema pwede nyo naman pong sabihin sakin" sabi ko

Sandaling itinanggal nya ang talukbong at saka umupo habang sapo parin ang mukha nya, nararamdaman kong patuloy parin syang umiiyak
Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang nakikita ko si ate o kung sino man sa mga mahal ko ang umiiyak. Kung puwede ko lang ilipat lahat ng sakit na nararamdaman nila ay ginawa ko na.

Hindi na baleng ako yung umiiyak wag lang ang taong mahal ko.

"Ate ko" yakap ko sakanya "ate ano pong problema?" Naluluha naring sabi ko

"Wala ito, pagod lang siguro to" sabi nya habang umiiyak parin

"Ate naman, sabi naman namin sayo, lagi kang magpapahinga diba? Wag ka ng masyadong magkapagod please, andyan naman lagi sila mama at papa" sabi ko at hinigpitan pa ang pagkakayakap

"Kailangan ko din kasi eh, ayoko naman na umasa pa kala mama at papa, alam kong pagod narin sila at matanda na ako para maging bata pa" sabi nito.

"Alam ko naman po yun, ate ko hindi naman po masama na magtrabaho ka, pero lagi ka lang po magpahinga, try not to overwork your body please"  pagbibitaw ko sa yakap ko. "Asan ba yung boss mo ate, gusto mo bang paalisin na natin yun?" Biro ko dahilan para matawa naman sya.

"Loko loko ka!" Sabi nito at niyakap ako.

"I love you, ate" yakap ko rin sakanya

"I love you too, my baby Sammy. Sleep na"

"Tabi tayo?" Natutuwang tanong ko

"Gusto mo sa sahig ka nalang" natatawang sabi ni ate. Umiling naman ako, "jokes, goodnight Sammy!"

"Goodnight, ate"

»the next day»

I looked at the time hanging over the wall, agad na napatayo naman ako ng ma-realise na mag a-alas otso na! Hayup! Late na ako!

"Ate! Late kana!" Gising ko kay ate,

"It's my day off, Sammy" antok na antok pa n'yang sabi at nagtalukbong na.

Shit! Late na ako!

Agad akong naghilamos ng mukha at katawan dahil wala ng pagkakataon para basain pa ang buhok ko. At kung sinuswerte ka nga talaga oh oh, huwebes ngayon at ang unang subject namin ay drama!

Hi Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon