Chapter 17

4 1 0
                                    


Debut

Santina's POV

"Ikaw babaita ka, ano tong narinig ko na nag cutting raw kayo ng mga kaibigan mo?!!" Sigaw ni mama sakin habang nakasabunot sa buhok ko.

Freakk!! Paano nya nalaman? Haist x_x I'm dead!

"Aray ko po ma!! Masakit ma!!" Daing ko, maiyak iyak na huhuhu

"Talagang masasaktan ka!! Kailan ka pa natuto mag ganyan ha?!" At mas lalo pang humigpit ang hawak nya sa buhok ko

Experience lang po ma!

"Ma, aray kuu! Aray kuu!" Daing ko pilit na inaabot ang kamay ni mama.

"Sige lang ma! HAHAHAHA! Hatakin mo ma!" Sabat ni Kuya, pilit kong nilingon sya at binigyan ng masamang tingin! Epal!

"Ano ba kuya!" bulong ko ng hindi marinig pa ni mama

"Ohh ano? Ma ohh!! Bumubulong pa! Nagagalit pa ata!" Nakakaloko nyang sabi

Hayupp!! Sa dinami daming pwede ko maging kuya, bakit sya pa?!!

"Ma, tama na ma, hindi ko na uulitin, promisee!!" pangako ko at bumitaw narin si mama

Napayuko ako at ininda ang sakit ng buhok ko. Si papa ay nagbabasa ng dyaryo at sumisimsim ng kape, si kuya naman hindi mapigilan ang halakhak. Walang kumakampi saakin, hindi nila ako mahal, hmp!

Ate? Wer na u??

"Akala mo ba hindi ako tatawagan ng front office nyo ha? Sino nag influence sayo gawin yan? Mga kaibigan mo ba?"

"Hindi po ma, ako po talaga yung nagsimula" pag amin ko

"Proud ka pa talaga?" Mama raised her brow

Opo

"Hindi na po mauulit."

Si kuya nga panay ang wagging nung kabataan, hindi man napapagalitan.

"Pasalamat ka ay birthday mo na bukas, kaya ipagpapalipas ko ito, pero sasusunod na mangyari ito, hindi ko na ito papalipasin!" Pilit na pinapakalma ni mama ang sarili nya

Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o magiging masaya dahil naging masaya naman ang pagpapasaway ko..

Pero still, mali parin yung ginawa ko..

"Kumain kana ba?" Biglang sabi ni mama

"Kanina pa po ma" napayuko ako

"Mag a-alas otso na at hindi kapa kumakain?!" Tumataas na naman ang boses ni mama

"Nag-boodle fight po kami nung mga kaibigan ko kanina ma, medyo busog pa po ako"

"Sana all nag boodle fight!" Singit nanaman ni kuya, lihim naman na sinulyapan ko sya at inirapan.

"Kumain ka dyan, nagluto kuya mo ng carbonara" naglakad na papunta sa kwarto si mama

"Ok lang po, baka may lason!" Tanggi ko at tsaka nakakalokong tinignan si kuya

"WOW! Ede wag ka kumain!"

"Oh talaga!"

Ilang minuto pa ang lumipas, nakaramdam ako ulit ng gutom kaya napag desisyunan kong kumain ulit. Nang matapos na ako kumain agad na akong nag goodnight kala mama at papa na nanonood ng TV, at dumeretso ng maupo sa kama. Agad na akong naghilamos para makatulog narin.

Binuksan ko ang cellphone ko at tinext sila Kyla sa isang group chat namin

[Thankyou for today, I enjoyed it!! I hope hindi kayo napahamak haha] I typed then send it.

Hi Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon