Tula ng Panahon

7 1 0
                                    

Tula ng Panahon

Kukumpas din ang orasan,
Ang buhangi'y mababawasan
Magdidilim ang kalangitan
Sa pagbabago ng kalupaan

Sa pag-indayog ng kasalukuyan
Mula sa musika ng nakaraan
Isang along 'di mapipigilan
Tanda mo pa ba ang iyong pinagmulan?

Isang punlang inalagaan,
Sisiw na nilimliman
Ibong tumamasa ng kalayaan,
Leon na hari ng kagubatan

Tila alikabok na sa kawalan
Parang kupas na larawan
Isang halamang natuyuan
Ang mga alaalang nagdaan

Stroke of KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon